AI AI, NAGMUKHANG TUYOT SA SOBRANG PAYAT
- BULGAR

- Sep 23, 2020
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | September 23, 2020

Nagtataka lang kami kung bakit ginusto pa ng Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas na magbawas ng timbang ganu'ng hindi naman siya chubby at bilugan.
Tamang-tama lang ang kanyang pigura para sa kanyang edad. At mas bagay kay Ai Ai ang medyo may laman ang katawan.
Nakakatanda kung sobrang payat ang isang babae. Nagmumukha pang tuyot at anorexic!
Ginusto naman siya ni Gerald Sibayan sa kanyang hitsura noong sila ay nagkakilala. At hindi naman siya inoobliga ng mister na magpa-sexy kaya walang dahilan para mag-diet at magbawas ng timbang. Hindi siya dapat ma-insecure kahit kanino!





Comments