Ai-Ai at Darryl Yap, ayaw mag-sorry sa pamba-baboy sa QC
- BULGAR
- Jun 12, 2022
- 1 min read
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | June 12, 2022
ANG TAAS NG TINGIN NINA AI-AI AT DARRYL YAP SA KANILANG SARILI–Idineklara ng Quezon City council na persona-non-grata sina comedian Ai-Ai delas Alas at Director Darryl Yap dahil sa pambababoy nila sa official seal ng QC-Local Gov’t Unit, at ayon sa mga konsehal, mag-public apology lang daw sila nang sa gayun ay i-lift o tanggalin na nila ang persona-non-grata sa dalawa, kaya lang tumangging mag-sorry ang komedyana at ang direktor.
Aba, masyado naman yatang mataas ang tingin nina Ai-Ai at Darryl sa kanilang sarili, sorry lang naman ang hinihingi ng QC council para i-lift na ang “persona-non-grata” sa kanila ay ayaw pa, at sa halip humingi ng paumanhin, buong kahambugan pang binatikos ang konsehal ng QC, pwe!
◘◘◘
PHILHEALTH AT MERALCO, DAGDAG-PAHIRAP SA MAMAMAYAN–Matapos i-announce ng PhilHealth na ngayong buwan ay magsisimula na ang 4% dagdag-butaw sa mga PhilHealth members ay inanunsiyo rin ng Meralco na magtataas sila ng singil na P0.39 per kilowatt hour sa konsumo sa kuryente ng mamamayan.
Hay naku, ang taas na nga ng presyo ng mga bilihin at krudo, tapos sumabay pa ang PhilHealth at Meralco sa pagpapahirap sa taumbayan, tsk-tsk-tsk!
◘◘◘
CONG. PICHAY, SINENTENSIYAHAN NA NG SANDIGANBAYAN, PERO HINDI IKUKULONG–Sinentensiyahan ng Sandiganbayan ng 18-taon hanggang 30-taon na pagkakakulong si Surigao Rep. Prospero Pichay kaugnay sa kinasangkutan nitong P700-M scam sa Local Water Utilities Administration (LWUA).
Ang problema sa isyung ‘to, dahil maimpluwensiya at mapera si Pichay, hindi siya hinuli at ikinulong.
Maraming ganyang korup sa gobyerno na hinatulan ng Sandiganbayan na guilty sa kaso, pero hindi nakukulong, tsk-tsk-tsk!





Comments