Agree, Janine? PA-FLOWERS NI PAULO KAY KIM, GIMIK LANG PARA SA SHOW
- BULGAR
- Feb 17, 2024
- 1 min read
ni Ador V. Saluta @Adore Me! | February 17, 2024

Nitong nakaraang Valentine's Day, nagulat ang It's Showtime host na si Kim Chiu dahil nakatanggap siya ng bouquet of pink roses mula sa isang mysterious guy.
Dahil aminado ang actress na siya'y loveless sa ngayon after her breakup with Xian Lim, kaagad na nag-viral sa social media ang post ni Kim kung saan ibinida nito ang bulaklak na kanyang natanggap.
Sa kanyang post sa Instagram Stories last February 14, Araw ng mga Puso, masayang ibinahagi ni Kim ang kanyang natanggap na bouquet of pink roses.
"Okay lang walang boyfriend, may flowers ka naman," ang mababasang message sa card na kalakip ng bouquet.
Kapansin-pansin sa naturang card na may letter "P" ito, kaya kung sinu-sinong actor or non-showbiz guy ang pinaghinalaang nagbigay sa kanya ng bulaklak.
At dahil si Paulo Avelino ang leading man ngayon ni Kim sa bagong seryeng ginagawa niya titled What's Wrong With Secretary Kim, ang espekulasyon ng mga netizens ay galing sa aktor ang naturang bouquet of pink roses.
Pero kung may mga kinilig sa gesture na ito ni Paulo, sabi naman ng ilang netizens, hindi na bago ang ganitong pautot o promo para sa isang project. Obyus naman daw na pinaiingay ang tambalang Paulo at Kim para mapag-usapan ang upcoming series nila.
'Di nga ba't balitang nagkabalikan sina Paulo at Janine Gutierrez kaya paano bibigyan ng malisya ang pagbibigay ng flowers ni Paulo kay Kim?
Sana lang, 'wag maging marupok si Kim at ma-fall in love kay Paulo habang ginagawa nila ang kanilang second series together after Linlang sa Prime Video.








Comments