top of page
BINI Gwen.jpg

Agawan sa pasahero: Trike driver, kinatay

Writer: BULGAR
BULGAR
17 hours ago
1 min read

ni Janice Baricuatro @News | October 28, 2026



AGAWAN SA PASAHERO: TRIKE DRIVER, KINATAY

Photo: File



Nasawi ang isang tricycle driver matapos pagsasaksakin ng kapwa tsuper dahil umano sa agawan sa pasahero, kamakalawa sa Brgy. Anahaw 1, Silang, Cavite.

Kinilala ang biktima sa alyas Elmo, 47, ng Brgy. Acacia. Tinutugis naman ang suspek na si alyas Toto.


Alas-9 ng gabi nang maganap ang insidente habang nakapila ang suspek sa toda nang komprontahin ng biktima dahil umano sa pag-agaw nito sa pasahero ng kanyang pamangkin. Naawat ang kanilang pagtatalo ng mga kapwa driver, ngunit sinundan ng suspek ang biktima at pinagsasaksak.


Agad na isinugod sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead-on-arrival.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page