Agawan sa 2nd standing ang Army-Black at Hitters
ni Gerard Arce - @Sports | July 23, 2022

Magbabanatan para sa ikalawang pwesto ang Army-Black Mamba at PLDT High Speed Hitters, habang magsasagupa ang dalawa sa paboritong koponan sa liga na mag-utol na Creamline Cool Smashers at ang pilay na Choco Mucho Flying Titans sa mas umiigting na single elimination round ng 2022 Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference sa MOA Arena ngayong Sabado ng hapon.
Muling susubukan ng dating National University Lady Bulldogs setter Ivy Perez ang pambihirang kakayanan sa opensa sa mga spikers kontra sa mabibigat humataw na High Speed Hitters sa unang laro ng 2:30 p.m. na susundan ng inaantabayanang pagtatapat ng mag-utol na Creamline Cool Smashers at ng pilay na Choco Mucho Flying Titans sa main game ng 5:30 p.m.
Naikukumpara ang matangkad na setter ng Lady Troopers sa beteranong playmaker at multi-titled player at ngayo’y head coach ng FEU Lady Tamaraws na si Tina Salak na nakokonsiderang isa sa mga pinakamahuhusay na setter ng bansa na kumuha ng dalawang titulo sa UAAP, apat na medalya sa SEA Games, 2 kampeonato sa Shakey’s V-League at tatlo sa Philippine Super Liga.
“Nakaka-pressure in a way kasi Tina Salak yun e, legend yun e, sabi ko nga kanina, hindi kayang pantayan pero kayang sabayan,” saad ni Perez, na may 27 excellent sets, 7 excellent digs, kaantabay ang 9 na puntos sa 4th-set victory kontra Flying Titans nitong Martes, habang may double-double sa panalo sa Petro Gazz sa 10pts at 21 excellent sets. “Nakakataas ng morale pero hindi pa rin enough e. Talagang kakapit at kakapit ako sa kanila kasi hindi yun magagawa kung hindi dahil sa kanila,” dagdag ni Perez.





Comments