Agaw-eksena raw nu’ng nasa PBB pa… FYANG, AMINADO SA MASAMANG UGALI
- BULGAR

- Apr 13
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | April 13, 2026

Photo: Fyang Smith - Instagram
Maraming netizens ang nagsasabing hindi umano maganda ang ugali ni Fyang Smith.
Aminado naman ang Pinoy Big Brother (PBB) Grand Winner na may ugali siyang hindi maganda na gusto niyang baguhin.
Binigyang-diin niya na tatanggapin niya kung anuman ang sabihin ng mga netizens sa kanya.
Nagbahagi si Fyang kung paano niya inaayos ang kanyang personalidad nang sa ganoon ay maging huwaran siya ng mga kabataan.
Prangka niyang inamin na sinisikap niyang bawasan ang kanyang dating masamang pag-uugali na unang nakita nu’ng nasa PBB Gen 11 pa siya.
Sey niya, “Nu’ng pumasok ako sa Bahay ni Kuya, sobrang ingay ko to the point na nakakairita na ‘yung ingay ko.”
Hindi raw niya mapigilan ang sarili na laging nag-iingay dahil ‘yun na raw talaga ang kanyang karakter, ngunit sadyang masigla lang ang kanyang personalidad. Kaya naman, laging nasasabihan si Fyang na mahilig mang-agaw-eksena sa kanyang mga kapwa-housemates.
“Pero at some point, tinone down ko ‘yung sarili ko kasi feeling ko, sumosobra na rin ako,” pakli niya.
“So siguro, ‘yung pag-tone down ko is para sa sarili ko, para sa ikabubuti ko — ‘di lang para sa mga viewers,” dagdag pa niya.
Binigyang-diin ni Fyang na ang pagpapabuti ng sarili ay dapat magmula sa kanya.
Nagpahayag siya ng kumpiyansa na mamahalin pa rin siya ng kanyang mga tagahanga anuman ang maging pagbabago sa kanya.
Aniya, “Kasi feeling ko, kung love ka talaga ng mga supporters mo, tanggap ka nila kung sino ka.”
Ang kanyang pahayag ay nagdulot ng saya sa marami niyang tagahanga, lalo na sa mga sumubaybay sa kanyang paglalakbay mula reality television patungo sa mainstream entertainment.
Maraming netizens ang pumuri sa kanyang maturity at pagkilala sa sarili na itinuturo na ang kanyang kahandaang kilalanin ang mga aspeto ng kanyang paglago ay tanda ng emotional intelligence.
Inamin din ni Fyang na pinili niyang ‘wag munang masyadong mag-social media para magkaroon ng katahimikan at maprotektahan ang kanyang mental health.
Sobrang blessed daw… DIANNE AT RODJUN, IFINLEX ANG BONGGANG BEACH HOUSE
Sadyang tuluy-tuloy ang suwerte na dumarating sa mag-asawang Dianne Medina at Rodjun Cruz.
Kamakailan lang ay ini-launch ng aktres ang kanilang DM Channel kung saan ay nakakatulong sila sa kanilang mga kapwa-celebrities na pumapasok sa online selling.
Lately naman ay ibinida ng TV host-actress ang bago nilang property, ang bonggang beach house na tinawag nilang Casa Ilustre.
Ang mga larawan ay nagpapakita ng modernong disenyo na nagtatampok ng maluluwag na balkonahe at isang perpektong tanawin mula sa tabing-dagat.
Ibinahagi ni Dianne ang update nang may pagmamalaki at tinawag ang bahay na isang ‘biyaya’ at bunga ng kanilang patuloy na pagsusumikap.
Very proud na ipinasilip ni Dianne ang nasabing milestone at aniya, “Sa wakas ay naipakita na rin ang aming beach house, ang Casa Ilustre.”
Sa Instagram (IG), pinasalamatan ni Dianne ang mga taong nagdagdag ng finishing touch sa bahay, at sinabing labis siyang nasasabik na makitang natupad ang kanilang pangarap.
Ayon kina Dianne at Rodjun, ang Casa Ilustre ay balak nilang ilagay sa mga listahan ng Airbnb, kaya excited ang kanilang komunidad na malapit nang mailista ang beach house sa kilalang homestay application.
Behind the camera, si Dianne Medina ay co-founder din ng isang events management company.
Ikinasal siya kay Rodjun Cruz noong 2019, at mayroon na silang dalawang anak.
Parehong God-fearing ang mag-asawa kaya maraming blessings ang dumarating sa kanila.





Comments