Agarang saklolo sa mga Pinoy sa Taiwan
- BULGAR
- Apr 12, 2023
- 1 min read
@Editorial | April 12, 2023
Pagsasagawa ng preemptive measures para sa kapakanan ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Taiwan ang apela ngayon sa Department of Migrant Workers (DMW) sakaling lumala ang krisis doon.
Ito ay kasunod na rin ng pagpapadala ng China ng warships at aircraft matapos ang pakikipagpulong ni Taiwanese President Tsa ing-wen kay United States House Speaker Kevin McCarthy na nagdulot ng tensyon sa rehiyon.
Kailangan nang gumawa ng mga hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng mga OFW sa Taiwan gaya ng repatriation plans, gayundin ang pagkakaroon ng alternatibong kabuhayan.
Dapat na mapaigting ang pagmo-monitor sa sitwasyon at mabigyan ng agarang tulong ang nga Pinoy na maaapektuhan ng military drills.
Ayon sa datos ng DMW, aabot sa halos 150,000 OFWs ang kasalukuyang nasa Taiwan.
Una nang inanunsiyo ng Eastern Theater Command ng Chinese military na naglunsad ito ng tatlong araw na military drills sa bisinidad ng Taiwan.
Umaasa tayo na hindi na lumala ang krisis, pero bago pa man mangyari ang huwag naman sanang mangyari, mas mainam na handa tayo.
Kailangan ng agarang pagkilos mula sa ating gobyerno para hindi maipit sa alanganin ang mga Pinoy.



Comments