Aga at Charlene, super proud… ATASHA, GUMRADWEYT NA MAY HONOR SA UNIVERSITY SA LONDON
ni Ambet Nabus @Let's See | July 31, 2023

Samantala, nakiki-proud kababayan din ang marami sa pamilya nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales.
Nagmartsa nga kamakailan ang anak nilang si Atasha Muhlach sa isang university sa United Kingdom (UK) and hello, bongga lang naman ang napakagandang dalaga, dahil may honors ito.
Sa napanood naming video post ng kakambal nitong si Andres Muhlach, proud na proud parents nga sina Aga at Charlene, pati na rin ang kakambal na si Andres sa nakuhang achievement ni Atasha.
Business degree ang tinapos ng dalaga sa Nottingham Trent University sa UK, London at dahil with honors ito, siya ang napiling magbigay ng speech and yes, kitang-kita sa dalaga ang katalinuhan, pagiging smart at nakaka-proud mapakinggan at mapanood bilang isang Pinoy.
Kamakailan ay inilunsad ng Viva Artists Agency si Atasha at lahat tayo ay looking forward sa gagawin nito sa showbiz industry. Pero wish talaga naming makita muna rin itong rumarampa as a beauty queen gaya ng nanay niyang si Charlene.
Hindi kasi nakakahiya at nakakatakot na isali sa beauty contest ang isang Atasha Muhlach, with everything she has and possesses.
Muli, CONGRATULATIONS kay Atasha at sa kanyang family!





Comments