top of page
Search
  • BULGAR

After Party vs. My Dad Bogart sa SLLP ngayon

ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | January 17, 2021



Punumpuno ng aksiyon ngayon ang Manila Jockey Club Inc (MJCI) sa karerang magaganap sa Carmona, Cavite.


Tatlong Winner Take All (WTA), dalawang Pick 6, tatlong Pick-5 at Pick 4 ang magaganap sa San Lazaro Leisure Park (SLLP) bukod pa sa Pentafecta at Super Six.


Dahil dito magaganap ang 2021 Philracom Rating Based Handicapping System Race na lalahukan ng Class 3, 4, at 5 division sa 12 karera sa SLLP.


Unang magaganap ang salpukan ng 14 na kabayo sa race 1 sa pagsikad ng Class 3 (16-21 SPLIT) para sa 1st WTA na pinapaboran ng Coastal Road at mahigpit na makakalaban ang Excellence at Can You Giub.


Sa Race 2,sisikad ang Class 4 (22-27 Split) ng 1st Pick-5 nakalalamang ang MacArthur Park, makakalaban ang Magnum Force at Sigurista, isama sa Quartet, pentafecta at Super Six.


Sa race 3, labanan ng Class 3 (47-53 Split) magaganap ang 1st pick-6 at paglalabanan ng mga kalahok na After Party at My Dad Bogart. Isama sa Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super Six ang Westeros, Gil’s Magic,Raja Bago at El Mundo.


Sa Race 4 ng class 4 (28-33 Split) magaganap ang 2nd WTA at pinapaboran ang San Rafael, habang makakalaban ang Gehsemanesmiracle, Silver Crown at This Time.


Sa Race 5,magaganap ang 2nd Pick -5 at paglalaban ng Class 3 (40-46 split) nakalalamang ang ‘Cam from Behind, makakalaban ang Deal Maker, Boni Avenue at Breaking News’.


Sa Race 6 magaganap ang 3rd WTA sa Class 4 (28-33 split) ipinapatok ang Kick the Gear. Sa Race 7 magaganap ang 2nd Pick 6 at nakalalamang Havana Oohnana at makakalaban ang In I Go at Resilent Creek at Baisakhi.


Sa Race 8 ng 3rd Pick-5 ng Class 4 (16-21 Split) maglalaban ang Sky Plus at Gonzee’s Bet at Princess Via. Sa Race 9 ng Pick-4 class 5 nakalalamang ang Ziqqy at makakalaban ang Mexico at Ahala. Sa Race 10 ng Class 4 (22-27 Split) maglalaban ang Habulin, Great Style, Tidal Wave at couple entry 2 na Red Hawk at Kapangyarihan.


Sa Race 11, ng Class 4 (34-39 Split) nakalalamang Under Pressure makakalaban ang Hiway Hill at Diwalwal at Race 12 puwedeng lumagay sa Calle Loreto, Dotora at Es Em Bee.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page