After nina Arjo at Maine… EJAY, VICE-GOV. NA, NIYAYA NG KASAL ANG GF NA SI JANA
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | August 24, 2022

Pansin lang namin, 'yung mga bachelor actors nating nanalo sa pulitika ay nagsisipag-engaged na. May plano na silang mag-asawa para magkaroon ng kani-kanilang First Lady na ihaharap sa mga events na kanilang dadaluhan.
Nauna na si Nueva Ecija Board Member Jason Abalos na inalok ng kasal ang former beauty queen na si Vickie Rushton.
Then, si Congressman Arjo Atayde na nag-propose last July 28 sa girlfriend nitong phenomenal actress na si Maine Mendoza.
At ilang araw pa lang ang nakararaan, si Oriental Mindoro Vice-Governor Ejay Falcon naman ang nag-propose sa produkto ng reality show na StarStruck Batch 3 na si Jana Roxas.
Komento nga ng mga netizens, "Mga nanalo sa politics na artista, nagsisi-engaged na like Jason, then Arjo, now si Falcon. Next, si Nash (Aguas) na."
Si Nash ay councilor naman sa isang distrito sa Cavite City. Girlfriend niya ang aktres na si Mika dela Cruz, younger sister ni Angelika dela Cruz.
Sabi naman ng isang commenter, "Need nilang magpakasal to have the impression na responsible family man sila."
What do you think, mga Ka-Bulgar, may point ba?





Comments