top of page
Search
  • BULGAR

After ng suspensyon ng NCAP… Physical apprehension, mas pinaigting – MMDA

ni Lolet Abania | August 31, 2022



Ipinahayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ngayong Miyerkules na mas paiigtingin nila ang kanilang pisikal na panghuhuli o physical apprehension sa mga traffic violators matapos ang suspensyon ng no-contact apprehension policy (NCAP).


Nitong Martes, sinuspinde ng Supreme Court ang NCAP sa ilang mga lungsod sa Metro Manila bilang tugon ito sa dalawang nakabinbing petisyon na humihiling na mapawalang-bisa ang polisiya hinggil sa usapin ng due process.


Ayon kay MMDA Legal Service head at acting spokesperson Cris Saruca Jr., isinasaayos na ng ahensiya ang deployment ng mga traffic enforcers para makober ang mga lugar kung saan ang mga NCAP cameras ay matatagpuan.


Kabilang dito ang EDSA, Commonwealth, Quezon Avenue, Roxas Boulevard, C-5, at Macapagal Blvd.


“[The MMDA] will do its best to carry out our traffic management mandate by apprehending physically and directing traffic physically, as we await final resolution on the NCAP case,” saad ni Saruca.


Sinabi ni Saruca na hihingin din ng MMDA ang payo ng Office of the Solicitor General (OSG) sa kanilang susunod na gagawin.


Ayon sa MMDA, ang koleksyon ng NCAP fines ay ititigil para sa mga mahuhuli matapos na mag-isyu ang Supreme Court ng kanilang temporary restraining order (TRO).


“Apprehension which happened prior to the TRO shall still be subject to corresponding penalties,” pahayag ng ahensiya.


Itinakda naman ng Supreme Court ang kaso para sa oral arguments ng NCAP sa Enero 24, 2023.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page