After ng pambubugbog daw nila ni Michelle sa driver niya… RHIAN, UMAMING KAILANGAN NG THERAPY
- BULGAR

- 1 day ago
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | February 18, 2026

Photo: FB Rhian Ramos
Natawa ang mga nakabasa sa convo nina Michelle Dee (MMD) at Rhian Ramos sa Instagram (IG) tungkol sa angpao na naging rason sa pagiging controversial nilang dalawa.
Sa photo, may hawak si MMD na angpao na galing sa bank na siya ang endorser at isa sa mga businesses ng family ng dad niya.
Comment ni Rhian, “May your ampaos (angpao) be filled,” na sinagot ni Michelle ng “With?”
Nakakatuwa ang comment ng mga followers ni MMD, nilaro raw nila ang isyu sa angpao.
May pabirong tinawag na ‘gaga’ ang magkaibigan. May sumunod pang birong comment na, “I can be the 4th bogbogera. Hahaha!” at ang mas nakakatawa, “I love the witty side of these two girls, dapat ganu’n ang atake para mabigyan ka ng angpao.”
May mga comments pa na hindi naman pala nanakaw ang angpao at katunayan, naibalik na kay Michelle.
Tama rin daw ang ginawa niya na sinabayan ang isyu sa kanila ni Rhian.
Speaking of Rhian, may mga nalungkot sa caption nito na, “When God gives you Tita duties. Child of @bianca_king, you’re the therapy I’ve always needed.”
Sa word na ‘therapy’, nalungkot ang mga fans ng aktres dahil ang feeling nila, may pinagdaraanan nga ito.
Hopefully, sa pagpa-file ni Michelle Dee ng cyber libel kay Xian Gaza, matapos na ang isyu nila ni Rhian Ramos at sa driver nito.
MAY nagpadala ng flowers kay Bela Padilla noong Valentine’s Day. Ang nakasulat lang sa card ang ipinasilip ng aktres, tinakpan ang name ng sender kaya naghulaan ang mga fans nito.
Kanino raw kaya galing ang beautiful bouquet na nagpangiti sa aktres?
Isa sa mga hula, baka raw galing sa guy na imina-match ni Isabelle Daza kay Bela.
May mga nagpahayag na ng saya para kay Bela at may concerned naman na nag-comment na sana, walang sabit ang imina-match sa aktres.
Ayaw daw nilang malungkot ang love life nito. Tama na raw na malungkot ang love life ni Bela sa mga ginagawa niyang pelikula.
Dahil madalas ay hindi happy ending ang movies na ginagawa ng aktres, tinawag na siyang Bela ‘Mapanakit’ Padilla. May iba ngang nag-request na sana, gumawa naman siya ng ibang genre ng movie, ‘yung hindi sasaktan at hindi iiyak ang mga moviegoers habang nanonood.
Kaya lang, madi-disappoint ang mga fans ni Bela dahil sa bago niyang movie na A Special Memory (ASM) opposite Carlo Aquino, sasaktan at iiyak na naman sila, lalo na’t sinabi ni Bela na, “Get ready for A Special Memory. Different kind of pain.” Kaya, inihahanda na ng mga moviegoers ang sarili nila na umiyak at masaktan.
Pa-flowers, bonggang-bongga rin…
DANIEL, TODO-GASTOS SA VALENTINE’S DATE NILA NI KAILA
MAY nakakuha ng photo nina Daniel Padilla at Kaila Estrada na nagdi-dinner on their Valentine’s Day date. Parang sa fine dining restaurant daw nag-dinner ang magdyowa dahil naka-suit ang aktor at naka-formal red dress si Kaila.
Sa photo, tila binabasa pa ni Kaila ang menu habang nakatingin sa kanya si Daniel.
Last Valentine’s Day din, ipinost ni Kaila ang bouquet of carnation na bigay sa kanya ni Daniel. Nagbiruan ang mga fans, hindi raw pala kuripot si Daniel sa kanyang GF dahil maraming flowers.
Ikinatuwa rin ng mga fans ni Daniel na close si Kaila sa kanyang pamilya. Nakita na siyang ka-dinner ang pamilya ni Daniel on his father’s side at nakasama na rin niya si Karla Estrada at mga anak nito.
The other day, nakita si Kaila na kasama naman ang sister ni Daniel na si Magui sa Power Plant Mall. Naglalakad ang dalawa at magsa-shopping siguro habang tuluy-tuloy ang pag-uusap.
Ang saya raw malaman na close si Kaila Estrada sa family ng aktor at wish ng KaiNiel fans nila na magtuluy-tuloy ang ganitong closeness niya sa family ng boyfriend.
Wala rin namang problema si Daniel Padilla sa parents ng aktres, nagkausap na sila ni John Estrada at naka-bonding na rin si Janice de Belen at pati ang mga siblings nito.








Comments