top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

After ng Nob. 2… Public schools, puwede rin ng hybrid learning – DepEd

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 19, 2022
2 min read

ni Lolet Abania | October 19, 2022


Ipinahayag ng Department of Education (DepEd) na maaari ring mag-aplay ang mga public schools para sa exemption na magsagawa ng 5-araw na face-to-face classes na lampas ng Nobyembre 2.


“Kung sakaling may public schools na hindi kakayaning mag-5 days na in-person classes, pwede po sila humingi ng exemption sa kani-kanilang regional directors,” saad ni DepEd spokesperson Atty. Michael Poa ngayong Miyerkules.


Ginawa ito matapos ang anunsiyo ng DepEd nitong Lunes hinggil sa mga pribadong paaralan na magiging exempted na mula sa naunang mandato ng ahensiya, kung saan dapat na ang lahat ng public at private schools ay mag-shift sa 5 araw ng in-person classes simula Nobyembre 2.


“Batid po natin sa Department of Education ang sitwasyon ng private schools ngayon bunga ng pandemya. Alam po natin na marami sa kanila ang nag-invest para maka-switch sa online learning,” sabi ni Poa.


Ayon pa kay Poa, marami na ang nakapag-develop at na-institutionalize ang pinakamahusay na pagsasagawa ng kanilang blended learning.


“Napapabalita na rin po na maraming mga maliliit na pribadong eskuwelahan na nagsasara dahil hindi nila ma-meet ang enrollment targets,” dagdag ni Poa.


Gayunman, paliwanag ni Poa na kinikilala ng DepEd ang mga pag-aaral na itinuturing ang face-to-face classes na aniya, “more advantageous and beneficial for learners’ academic development and mental health.”


“Iba po talaga ‘yung meron pong interaction or direct instruction ang teachers sa learners, at may interaction sa between kapwa learners,” giit ng opisyal.


Sinabi naman ni Poa, para sa mga public schools na nais magkaroon ng limitasyon sa pagsasagawa ng 5-araw na in-person classes, asahan na maaaring mabigyan ng isang Department Memo na galing sa DepEd na nagbibigay ng batayan ng pagkakaloob sa kanila ng exemption mula sa mandato.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page