top of page

After ng holding hands sa Spain… BEA AT VINCENT CO NG PUREGOLD, MAGKASAMA SA AIRPORT SA THAILAND

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 19 hours ago
  • 3 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 11, 2025





May kasunod nang sighting kay Bea Alonzo at sa bago niyang boyfriend ngayong rich businessman na si Vincent Co na anak ng may-ari ng Puregold.


Matapos ngang mag-viral ang holding hands while walking photo nila sa Spain na bagama't nakatalikod ay nakilala pa rin ng mga netizens, sa Suvarnabhumi airport naman sa Thailand nakita ang bagong couple.


Marami ang na-happy para kay Bea sa bago niyang dyowa dahil at least ay magka-level na raw sila financial wise at bagay na bagay din ang kanilang heights and looks.

Ang ipinangangamba lang ng mga fans ay kung tanggap si Bea ng family ni Mr. Vincent Co na isang Chinese. It's an open book naman na mas gusto siyempre ng mga Chinese parents na kalahi nila ang maging karelasyon ng kanilang anak.


Well, according sa isang reliable source na close sa pamilya Co ng Puregold, nagulat man nu'ng una ang parents ni Vincent na si Bea pala ang bagong idine-date ng kanilang anak, so far ay wala pa naman daw pagtutol ang mga ito.


At bago pa pala ipinost ni Mr. Vincent Co sa kanyang IG account ang holding hands photo nila ni Bea na nagsilbing soft launch na rin nila, alam na pala ng pamilya niya ang relasyon nila.


Hmmm… too early to tell pero marami ang nagwi-wish na sila na nga ang endgame dahil pareho naman na raw silang nasa tamang edad na at puwedeng-puwede nang magpakasal.



ANYTIME ay puwede na sanang masundan ang 3-year-old daughter nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado na si Dylan dahil nakapagpa-freeze na nga ng eggs ng aktres sa Amerika.


Pero ayon kay Dennis nang makausap namin sa launch niya as the newest ambassador ng Beautederm Belle Dolls Zero Filter Sunscreen, ine-enjoy pa nila ni Jen ang kanilang bunso, bukod sa marami pa silang naka-lineup na projects na priority nilang matapos muna.


Gusto rin sana ng mag-asawa na muling makasali sa MMFF 2025 kaya naghahanap sila ng right project after Green Bones kung saan co-producer sila last year.


Medyo mapili ang DenJen sa mga projects na tinatanggap nila dahil mas gusto nilang may impact ang kanilang gagawin at hindi para may magawa lang.


Samantala, feeling blessed si Dennis dahil bukod sa mabenta pa rin siyang aktor sa TV at movies, may mga pumasok din sa kanyang endorsements this year at isa na nga rito ang pagiging ambassador ng Beautederm Belle Dolls Zero Filter Sunscreen.


Puring-puri siya ng CEO ng Beautederm na si Ms. Rhea Anicoche-Tan dahil kahit nu'ng hindi pa raw siya ambassador ng businesswoman, naglaan siya ng oras at sumama sa misis na si Jennylyn para dumalo sa intimate birthday party ni Ma'm Rei.


Sobrang touched ang CEO na totoong tao ang DenJen at hindi pera-pera lang.

Naku, sino raw ‘yung pera-pera, oh?!!! Char!!!


Iilan lang daw ang napili… IZA: ‘DI KAILANGANG 12 SENADOR ANG IBOTO KUNG ‘DI DESERVING





TAWA naman nang tawa si Iza Calzado nang biruin namin sa nakaraang media event nina Ms. Roselle Monteverde at Atty. Keith Monteverde ng Regal Entertainment para iendorso si Kiko Pangilinan na tumatakbong senador.


Humirit kasi si Iza na lantad ang pagsuporta sa mister ni Sharon Cuneta ng, “Isama po nating ilagay si Kiko sa ating balota.”


Kaya ang biro namin kay Iza, “Kung may ilalagay, sino ang ilalaglag?”


Nagpakatotoo naman ang aktres na iilan pa lang ang napili niyang iboto at hindi naman daw kailangang kumpletuhin ang 12 kung hindi naman deserving para maging senador.

Hindi na namin inalam kung sinu-sino ang kanyang iboboto dahil obyus naman kung sino ang kanyang mga ineendorso.


Anyway, bukas na, May 12, ang eleksiyon at sabi nga sa FB post, “‘Di ka man matalino, sana kahit sa pagpili na lang ng kandidato ay maging matalino ka.”

Boom!!!


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page