top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

After ng hiwalayan nila ni Liza... ENRIQUE, NAGBEBENTA NA NG MGA ARI-ARIAN

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 26, 2023
1 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | April 26, 2023


Mukha namang sa Kapamilya pa rin babalik at gagawa ng mga projects si Enrique Gil.


Sa mga naglabasang espekulasyon na kinukuha ito ng Kapuso Network at ayon sa ilang news site, sumuko na ang aktor sa pagbuntut-buntot kay Liza Soberano sa USA.


Mayroon nga raw movie project na gagawin ang aktor, tila nagustuhan naman ito ni Enrique at tinanggap na nga niya ang proyekto.


Ayon sa mga tsika, proyekto itong pagsasamahan nila ni Daniel Padilla at makakasama pa nilang dalawa rito ang tambalan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.


Hmmm... basta ang nakarating sa aming balita, may mga inaayos na negosyo si Enrique ngayon, kasama na nga rito ang pagbebenta ng ilan niyang naipundar na properties.


May tsika na balak na ring pasukin ng aktor ang concert at film production, kung saan kasama niya ang mga tinatawag niyang "buddies at bro" sa showbiz.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page