After ng farm… ANGELICA, GUSTONG MAGPATAYO NG BUILDING PARA SA NAMATAY NA INA
- BULGAR
- Sep 30, 2024
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | Sep. 29, 2024

Inalala ni Angelica Panganiban ang kanyang yumaong ina na si Annabelle “Ebella” Panganiban sa ika-40 days ng kamatayan nito.
Isang matamis na mensahe ang caption ni Angelica sa video clip ng kanyang ina during the actress’ beach wedding with her hubby Gregg Homan na ginanap sa Siargao noong April 20.
Caption ni Angelica, “11:18 PM exactly 40 days ago, tinawag ka na ni Papa God. Sabi nila, ngayon ka raw aakyat papuntang heaven.
“Sana hindi ka hiningal paakyat, Ma. Sana masaya ang welcome party mo d’yan sa taas, sana rin nakita mo ang celebration mo rito. Maraming bumisita at nagpaalam sa ‘yo, Ma. Sana nakita mo ang mga luha at narinig mo ang mga tawanan namin, habang pinag-uusapan ka namin.
“Sana may last sermon pa, Ma. Sana may huling tawanan pa, at bilin, huling I love you. Sana mas marami pang oras, Ma.
“Hinanda mo ‘ko sa maraming bagay, pero hindi du’n sa wala ka na. Hindi ako handa sa huling usap, huling yakap, huling asaran at huling tawa mo.
“Ma, ikaw ang bumuhay sa ‘kin, kaya ikaw ang buhay ko. Kumpiyansa sa mga takot ko, gabay sa dilim, katahimikan sa gulo. Pagmamahal at pagpapatawad sa bawat galit ko. Ikaw ang Mama ko, ikaw lang. Mahal na mahal kita, Ma. Hanggang sa muli.”
Pumanaw ang ina ni Angelica sa edad na 61 noong Agosto 20.
Prior sa 40th day ng ina ni Angelica sa kanyang Instagram (IG) post ay naka-upload sa YouTube (YT) channel na The Homans, ipinasilip ng aktres ang naganap na first birthday celebration ng anak nila ni Gregg na si Amila Sabine or simply si “Bean”.
Hindi na nahintay ng ina ni Angelica na makasama sa birthday celebration ng kanyang apo. Ginanap ang birthday party ni Bean sa farm ni Angelica sa Batangas kung saan sinunod niya ang pangalan ng kanyamg farm sa ina, ang “Ebella.”
Sa naturang vlog din ng birthday celebration ni Bean sa Ebella Farm ay nabanggit ni Angelica ang dream niya na makapagtayo ng Ebella building. Ganyan kamahal ni Angelica Panganiban ang kanyang ina, bagama’t hindi si Ebella ang kanyang biological mother.
Comments