After ng 2 Best Actor para sa Green Bones… DENNIS, PASS MUNA SA MMFF 2025
- BULGAR
- 2 days ago
- 4 min read
Updated: 8 hours ago
ni Janiz Navida @Showbiz Special | July 23, 2025
Photo by Mars Santos via Bulgar Showbiz
Matapos magwagi ng ikalawang Best Actor award para sa award-winning movie na Green Bones sa nakaraang 8th EDDYS Awards ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEED) last Sunday, pahinga raw muna si Dennis Trillo sa paggawa ng pelikula.
Inamin din ng aktor na wala siyang entry para sa Metro Manila Film Festival this year dahil aminado si Dennis na hindi madaling pantayan ang tagumpay na dala ng napaka-challenging role niya sa Green Bones bilang si Domingo Zamora.
“Gusto ko lang mas mahabang time na preparasyon para paghandaan. Tulad ng sinabi mo kanina, mahirap pantayan ang katulad ng Green Bones kaya mas maingat lang sa pagpili (ng next movie na gagawin ko),” sabi ni Dennis nang makausap namin after ng 8th EDDYS Awards.
Tinanong nga namin si Dennis kung sino ang dream niyang makasama sa next movie na gagawin niya kung sakali for MMFF.
“Siguro, ‘di ko pa nakakatrabaho si Piolo Pascual, saka si John Lloyd Cruz, ‘yan ‘yung mga pangarap kong makatrabaho balang-araw,” pag-amin ni Dennis.
Tulad ng marami, wishing si Dennis na magbalik-acting si John Lloyd at kahit sa anong genre raw ay willing siyang makatrabaho ito basta maganda ang materyal.
Samantala, masayang-masaya si Dennis dahil kahit last year pa ipinalabas ang Green Bones, humahakot pa rin ito ng awards hanggang ngayon kung saan 5 trophies nga ang naiuwi ng GB team sa katatapos lang na 8th EDDYS Awards, bukod pa ang pagkakasama nina Dennis Trillo at Ruru Madrid sa mga pinarangalan bilang Box Office Heroes dahil sa P133 M gross ng pelikula last MMFF 2024.
May nakita raw sa aktres…
BARBIE, GUSTONG SAMPALIN NI PINKY AMADOR
ALL-OUT support ang Chairman of the Board ng TV5 Network, Inc. at MediaQuest Holdings, Inc. na si Mr. Manny V. Pangilinan, gayundin si Ms. Jane Basas, president and CEO of MediaQuest sa ginanap na launching ng pinakabagong venture nilang Cignal Play Microdrama last July 16 sa TV5 building.
Dahil sa super busy lifestyle ng mga Pinoy na wala nang time manood ng TV at mas madalas ay cellphone na ang hawak, naisipan ng Cignal Play na mag-launch ng latest digital innovation ngayong Cignal Play Microdrama.
Kaya ang mga nakasanayan nating teleserye sa TV, puwede nang mapanood sa loob lang ng 5 minuto sa ating cellphone.
At dahil series ito, puwede mo siyang panoorin kung kailan ka lang may time o kung gusto mo naman siyang panoorin sa isang upuan lang.
At kahit “microdrama” ang tawag nila rito, big emotions, big stories, big drama all in a small package ang pangako ng Cignal Play na ihahatid nila sa manonood.
Currently streaming na sa Cignal Play app ang four must-watch micro-series na tiyak na papasa sa panlasang Pinoy.
Kabilang dito ang I See You na chilling thriller starring Dimples Romana na isang powerful businesswoman pero magpapanggap na bulag habang harap-harapan niyang nakikita ang panloloko sa kanya ng mister na gagampanan ni Joem Bascon.
Kasama rin nila sa cast sina Cedrick Juan, Pearl Gonzales, Glenda Garcia, and Zion Cruz.
Ang My Father’s Last Wish naman ay tear-jerking family drama na pagbibidahan ni Dylan Menor bilang anak na pagbibigyan ang dying request ng kanyang ama. Co-stars naman niya rito sina Johnny Revilla, Gerald Madrid, Alex Medina, and Dawn Chang.
Sa 3 Queens and a Baby, mapapa-LOL (laugh out loud) ka naman sa comedy series na ito starring Christian Bables as part of a fabulous drag trio na magkakaroon ng baby. Joining Christian in this hilarious mini-series are TJ Valderrama, Iyah Mina, Daniela Stranner, Donna Cariaga, Christian Vasquez, and Iven Lim.
Habang tiyak na patok sa mga mahilig mag-bake ang Baker’s Heart na isang romantic tale na ang setting ay sa panaderia at bida rito sina Queenay Mercado, Paulo Angeles at Dani Porter.
“We believe that storytelling has the power to connect, inspire and transform. With Cignal Play Microdrama, we’re bringing a new dimension to Filipino content that is short, impactful, relatable,” ayon kay Ms. Jane J. Basas.
Bukod sa mga nabanggit, may mga upcoming shows pang ilo-launch sa mga susunod na buwan tulad ng A Cure Called Love na isang kilig-filled romance na tatampukan nina Dylan Menor, Micah Santos, Gelli De Belen, Pinky Amador, and Jeff Tam.
Nakausap namin ang isa sa most in demand kontrabida ngayon sa TV na si Ms. Pinky sa launching ng Cignal Play Microdrama at aniya, natutuwa naman siya sa bagong platform na naisip ng TV5 dahil talagang sumasabay daw sa kung anong uso ngayon lalo na sa mga kabataan.
Thankful daw siya na maging bahagi ng A Cure Called Love dahil bagong challenge ito sa kanya kahit pa kontrabida role uli ang gagampanan niya dahil iba naman ang market ng Cignal Play Microdrama.
Tinanong namin si Ms. Pinky na bilang kontrabida, sino ang dream niyang masampal?
Napaisip ito at saka sumagot, “Barbie Forteza.”
Bakit si Barbie?
Aniya, “Kasi magaling siya. Kasi mabait siya. Kasi alam ko na mabibigyan niya ng magandang reaksiyon ‘yung pagsasampal. I admire her a lot.”
Follow-up na tanong namin, “May nasampal na po ba kayo na walang reaksiyon?”
Sagot ni Ms. Pinky, “Meron, but my lips are sealed.”
So, blind item na lang. Hahaha!
Meanwhile, para mapanood ang Cignal Play Microdrama, mag-download ng Cignal Play app at for P20 a day, unlimited n’yo nang mapapanood lahat ng shows na gusto n’yong panoorin.
Bongga!
Comments