11 yrs. old na lalaki… YEN, NAGSALITA NA SA ANAK DAW NILA NI CHAVIT
- BULGAR
- 19 hours ago
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | July 25, 2025
Photo: Yen Santos at Chavit Singson - IG, FB
Matagal na ang isyung ito hinggil sa aktres na si Yen Santos at sa bilyonaryong businessman na si Chavit Singson, pero nananatiling tahimik lang ang aktres.
Sa wakas, binasag na ni Yen ang kanyang katahimikan at nagsalita na patungkol sa mga tsismis sa kanila ni Singson.
Sa paglulunsad ni Yen ng kanyang opisyal na YouTube (YT) channel, ang unang vlog niya ay ang mga isyu at tsismis kung saan nabanggit ang pangalan niya.
Marami naman ang natuwa na binigyang-linaw na ng aktres ang mga isyung ito online.
Ang title ng vlog ay Questions I Am Desperate To Answer.
Sinagot ni Yen ang ilang personal na tanong.
Ayon kay Yen, isa sa mga tsismis na nais niyang bigyang-linaw ay ang umano’y pagkakaroon nila ng anak ni Chavit Singson.
“‘Yung tsismis na meron daw po kaming anak ni Manong Chavit. Guys, hindi namin ‘yun anak, kapatid ko po ‘yun. It’s my youngest brother, tatlo po kaming magkakapatid,” ani Yen sa kanyang mga viewers.
Ikinuwento niya na marami na siyang nakikitang video online na nagsasabing may anak
na kasi sila ng dating kilalang politician.
“Sabi ko nga, hindi ko ugali kasi na mag-correct ng tao pero natanong mo na, ‘yun talaga ‘yun. Nakikita ko sa TikTok na nagkalat, na malaki na raw ‘yung anak namin. Yes, malaki na s’ya, he’s 11 years old, pero hindi po namin ‘yun anak, kapatid ko po s’ya,” paglilinaw pa ng aktres.
Dagdag pa ni Yen, “Ang nakakatawa kasi is he's a good family friend. Ninong s’ya nu’ng kapatid ko.”
Binalikan din ni Yen Santos kung paano nagsimula ang isyu noon pa man.
“Nag-uumpisa pa lang ako mag-artista, ‘yun agad ‘yung isyu ko, eh,” aniya sa mga fans.
GF ng anak, sa December daw manganganak…
JINKEE, UMAMING MAGIGING LOLA NA KAY JIMUEL
SA pag-uusap nina Jinkee Pacquiao at Chavit Singson, buong pagmamalaki niyang sinabi rito, “Magiging lola na ako.”
Viral agad sa social media ang pagbida ni Jinkee na siya ay magiging lola na. Ang kuhang video ng dalawa ay nasa official Facebook (IG) page ni Chavit.
Sa clip, makikitang binati ni Chavit si Jinkee at ang twin sister nitong si Janet Jamora.
Ani Jinkee sa isang lalaki, “Manganganak s’ya sa December. Naunahan ka, ikaw ba susunod? Charot!”
Samantala, matatandaang nag-headline rin si Jinkee kamakailan lang matapos nilang bisitahin ng buong pamilya ang pamilya umano ng rumored girlfriend ni Jimuel. Ibinahagi pa ni Jinkee ang ilang sweet at heartwarming photos ng naturang meetup sa kanyang official Instagram (IG) account ngayong buwan.
SA ginanap na mediacon para sa documentary film ni ex-Davao Police Colonel Hansel Marantan na Sa Likod ng Tsapa (SLNT), marami pala siyang pinagdaanan noong aktibo pa siya sa serbisyo.
Marami rin daw ang nambu-bully sa kanya na hindi niya mawari kung bakit, dahil siya raw ay nagtatrabaho lamang.
Aniya, “Feeling ko na nilalait ako,” lalo na nang gawin niya ang documentary film ng kanyang buhay.
Naging controversial figure siya noong 2013 dahil sa Atimonan shooting incident na siyang sentro ng documentary film that seeks to tell his side of the story—one long buried under headlines and public opinion.
Paano niya hinaharap ang criticism?
“Well, there’s redemption already,” wika niya.
Nakuha raw niya ang redemption 20 years after. Sa loob ng kulungan, ibinida ni Col. Marantan na nakasama niya ang ibang mga pulitiko tulad nina Senators Bong Revilla at Jinggoy Estrada.
Bakit ba siya napapayag na gawing documentary film ang kanyang pagiging sundalo?
Ayon kay Editha Caduaya, isang legit na journalist at siyang nag-pursue na ilabas ang docu film ni Col. Marantan, “It was a fight, and nakita ko while I was digging up dirt, gaya ng term ni Atty. Topacio, while I was digging up his dirt, nakita ko na ako as dating part ng state fighters, kita ko, ba’t kami sumisigaw ng injustice, eh, parang meron pala rito sa loob ng isang organisasyon, marami palang na-injure.
“Ito pala ‘yung puno’t dulo ng injustice, hindi lang sa mainstream, ‘di ba? Nakikita n’yo ‘yung mga tao, sumisigaw ng injustice, ‘di ba? Pero sila pala, merong organizational injustice. Saka ang pinakamahirap sa mga pulis, hindi ko s’ya kinakampihan, ha? Nakita ko na ‘pag sumabit si pulis, walang umaangkin. ‘Pag victorious naman ang operation, ang daming claimant.
“So ‘yun ‘yung nakita ko sa story, na parang, I need to put life to this, kasi hindi lang sila, ang dami-dami pala. So, ‘yun ‘yung realization na ‘I must put flesh to these guys, regardless of their names, because the story is worth the telling.’”
Kasama rin sa documentary film ang pagkakahuli kina Quiboloy at Teves.
Ang documentary film ni Marantan ay mapapanood sa August 13, written and directed by ex-journalist Editha Caduaya, with the entire production put together by Davao-based filmmakers.
Comentários