top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

After mawala si Ivana… JOHN, IPINATATANGGAL DIN SA SERYE NI COCO

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 19, 2024
3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary| July 19, 2024



Showbiz News

Nagbigay ng statement ang Star Magic sa pag-alis ni Ivana Alawi sa Batang Quiapo (BQ). Wala umanong katotohanan ang mga balitang naglalabasan nag-iinarte ang aktres. 


Marami naman ang nagsasabing, “Huge mistake, Ivana, Huge. Big. Marunong ka na ngang umarte sana sa BQ eh, unlike sa last serye mo. Now you will just be known and stuck in social media.”


Ayon naman sa isang commenter, “Kung tinanggal si Ivana, dapat tanggalin din si John.”

Puna naman ng isang netizen sa komentomg ito, “Teh, ‘wag kang mamersonal. Trabaho at personal na buhay ay magkaiba, para mo na ring kinancel ang tao na nagta-trabaho ng marangal.”


Oo nga naman, iba naman ang case ng aktor kay Ivana. 


Sey pa ng ibang mga netizens:


“Magaling talaga mag alaga ng talent ang ABS-CBN at Star Magic. Nililinis agad name ng alaga nila.”

“Sa mga naglalabasan na issue kay Ivana na hindi marunong makisama etc., baka naman stress si girl dahil wala silang script. Ang pinaka-script lang nila is anong gagawin nila sa eksena pero minimal lang ang dialogue. For someone na introvert, isusulat nila ang sasabihin nila kasi nahihirapan sila na mag improvise.”


Well, mahirap nga naman ang walang script at halos araw-araw ang taping. Pero in fairness, boom na boom ang seryeng Batang Quiapo at matindi ang mga scenes.


After 10 yrs…

ANAK NI VIC NA SI PAULINA, HIWALAY NA SA ASAWA


Vic at Paulina Sotto

KASAMA na rin sa listahan ng mga hiwalay sa asawa ang anak ni Vic Sotto na si Paulina Sotto. 


Sa Instagram (IG) ng visual artist ay may post siyang single mom na umano siya. 

Kalakip ang larawan nilang mag-ina, 


“Navigating a new life chapter as a single mom. It’s been a crazy last few weeks with lots of ups and downs, but life goes on. @aaa Thankful for what the past 10 years have given me—my beautiful daughter. Now onto better things.” 

Ani ng mga netizens:


“Sending you love and sincere prayers for strength, Paulina. You got this! Sachi is blessed to have you.”


“So sad but Life has to go on. Embrace your new world as a single, beautiful and loving mom

to Sachi!”



Ayon naman sa isang netizen, mabuti na lang daw ay naagapan nina Danica Sotto at Marc Pingris ang kanilang married life, kung hindi, malamang daw na naghiwalay na rin ang mag-asawa. 

Naging usap-usapan kasi noon na marriage on the rocks din sina Danica, ang anak ni Bossing at Mark dahil kay Kim Rodriguez, pero pareho naman pinabulaanan ito ng dalawa. 

Sa kaso ni Paulina Sotto ay hindi niya sinabi kung ano ang dahilan ng kanilang paghihiwalay ng asawa.




NAGBAHAGI ng opinyon ang King of Talk na si Boy Abunda sa pasigaw na pagho-host ni Alden Richards kamakailan sa Miss Universe Philippines (MUP).


Paliwanag ng beteranong TV host, hindi maiiwasan ang pagsigaw lalo na kapag hindi maayos ang monitors sa entablado. 


Ipinaliwanag niya na may mga pagkakataon kung saan hindi naririnig ng host ang kanyang sariling boses. 


Sinabi rin niya na may notion na dapat sumigaw ang host para sa mga pageant announcements. 

Inamin ni Kuya Boy na hindi pa niya natuturuan si Alden, pero naniniwala siyang willing matuto ang aktor. 


“Alam n’yo ‘yung criticisms kay Alden na sumisigaw, bumababa, napakahirap nu’n kasi when you’re on stage, hindi mo talaga naririnig. Lalo na kapag ang monitors are not properly placed on stage, sisigaw ka talaga.


“Plus, mayroon kang notion na that’s the way they do it. ‘Ladies and gentlemen, the top 20… Vietnam!’ ‘Di ba, may notion ka. Even as a viewer, may peg ka kung paano nila ginagawa ‘yun, plus hindi nila naririnig.”


Well, si Kuya Boy ay bihasa na sa hosting. Alam na niya kung papaano lalaruin ang pagho-host lalo na kung isang pageant event ito. 


About Alden, ilang beses na ba siyang nababatikos bilang host? Alam naman ng lahat na hindi siya isang host nang pumasok sa showbiz, pero ginagawa niya ang kanyang best.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page