After makasama si JC… JANINE, UMAMING TYPE RIN SINA CARLO, GERALD AT PAULO

ni Janiz Navida @Showbiz Special | February 6, 2021

Puring-puri ni JC Santos ang pagiging 'raw actress' ni Janine Gutierrez na bagama't first time niyang nakatambal sa pelikulang Dito at Doon under TBA Studios at mula sa direksiyon ni JP Habac, nagkaroon agad sila ng chemistry na kitang-kita sa kanilang mga eksena.
Kuwento ni JC, ang maganda raw kay Janine, napaka-generous, honest at transparent nito in real life, walang kiyeme, walang mga walls o itinatago kaya masarap kasama at madali silang nagkapalagayan ng loob sa shooting na ginawa nu'ng last year habang kasagsagan ng lockdown.
Ang napansin lang daw niya sa leading lady ay malakas kumain, pero ang suwerte ni Janine dahil hindi tumataba, 'no!
Samantala, dream come true naman para kay Janine ang makatrabaho si JC dahil matagal na pala niyang gustong makasama ito sa pelikula at dati pa niyang pinapanood ang mga movies ng aktor.
At ngayong nasa Kapamilya Network na si Janine, gusto naman daw niyang makatrabaho sina Carlo Aquino, Gerald Anderson, Paulo Avelino, Angelica Panganiban, Charlie Dizon at Liza Soberano.
'Yan ang mga nilu-look forward niya sa paglipat sa ABS-CBN na obviously, hindi niya magawa nu'ng nasa Kapuso Network pa siya.
Anyway, base sa teaser na napanood namin sa Dito at Doon na tungkol sa online dating, mukhang interesting ang kuwento at tiyak na maraming makaka-relate lalo na sa panahon ngayon na marami talaga ang naghahanap ng kanilang 'the one' thru online dating apps hanggang bawal pa ang face-to-face.
So, abangan ang Dito at Doon na may scheduled showing on March 17 sa mga sinehan nationwide.
Yes, dahil inaasahan na ang pagdating ng Covid-19 vaccine ngayong February, eh, looking forward ang producer ng TBA Studios na maipapalabas na nga sa mga sinehan ang pelikula sa March 17.
Kasama rin nina Janine at JC sa Dito at Doon ang theater actress na si Yesh Burce at ang O-Shopping host na si Victor Anastacio.





Comments