top of page
WINNER - “GINAWA KO LANG ANG PARTE KO BILANG PILIPINO. MGA G_GO PALA KAYO D’YAN, EH!” - DA

After mag-ikot sa mga binaha, nag-concert... PBBM, kinantahan si FL Liza sa b-day, viral

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 20 hours ago
  • 1 min read

ni Mylene Alfonso @News | August 31, 2026



PBBM kinantahan si FL Liza - Vigan Mayor Bonito Singson - FB

Photo: Loren Legarda - FB



Idinepensa ng Malacañang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos batikusin sa social media dahil sa kumalat na video ng kanyang pag-awit sa birthday party ni First Lady Liza Araneta-Marcos.


Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, maling akala ng ilan na naganap ang selebrasyon sa kasagsagan ng malawakang pagbaha sa Luzon. 

Idinaos aniya ang birthday party noong Agosto 26, bago pa lumala ang epekto ng habagat.


"Huwag nating kalimutan na inuna ng Pangulo na mabisita at ma-inspect ang Pampanga at Bulacan upang maisaayos ang kalagayan ng ating mga kababayan at maipaabot ang tulong sa mga apektado," wika ni Castro sa text message sa Malacañang reporters. 


Dagdag pa niya, ang ilang oras na ginugol ng Pangulo kasama ang kanyang pamilya ay hindi nangangahulugang tinalikuran niya ang tungkulin sa bayan.


Nilinaw din ng Palasyo na hindi naganap ang pagtitipon noong Biyernes o Sabado, nang maranasan ang matinding pagbaha sa iba’t ibang bahagi ng Luzon.


Binigyang-diin ni Castro na nananatiling nakatutok si Marcos sa sitwasyon at patuloy na pinakikilos ang mga ahensya ng gobyerno para sa mabilis na pagtugon sa mga apektadong lugar.


"Tutok po ang Pangulo sa sitwasyon ng paglakas ng buhos ng ulan na sanhi ng pagbaha, kaya mabilis na pinapakilos ang mga ahensya ng gobyerno," hirit niya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page