top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

After ma-hostage… De Lima, gusto pa rin sa PNP Custodial Center – Abalos

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 9, 2022
2 min read

ni Lolet Abania | October 9, 2022


Ipinahayag ni Department of the Interior Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na pinili pa rin ni dating Senator Leila de Lima na manatili sa Philippine National Police Custodial Center sa loob ng Camp Crame sa Quezon City sa kabila ng naganap na pangho-hostage sa kanya ngayong Linggo ng umaga.


Sa isang interview ng mga reporters sa Camp Crame, ayon kay Abalos sinabi sa kanila ni De Lima na sa kanyang custodial cell, “[I] feel very safe.”


“One thing I could say right now and I could assure you, sabi nga ng ating Presidente, importante maging safe ang lahat at si Senator Leila De Lima. Kaya nga nagpapahanap siya ng space kung saan niya gusto na maging safe sa kanya. We look for another place, but she feels very safe sa kanyang lugar. So, she prefers to stay there,” pahayag ni Abalos.


Una nang sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kakausapin niya si De Lima upang i-check ang kalagayan nito.


Ayon kay Abalos, si De Lima ay hinostage ng tatlong indibidwal o persons under police custody (PUPCs), alas-6:30 ng umaga ngayong Linggo at nagde-demand ang mga ito ng isang helicopter para makatakas mula sa kulungan.


“Gusto kong iklaro sa mga nakikinig ngayon, itong tatlong ito ang target nila ay tumakas… Na-hostage si [former] Senator. Tinalian at piniringan ang mata. Humihingi ng kung ano-ano, ng hammer, ng helicopter, et cetera,” ani Abalos sa mga reporters.


Kinilala ang tatlong PUPCs na sina Arnel Cabintoy, Idang Susukan, at Feliciano Sulayao Jr., lahat ay mga inmates sa Camp Crame, kung saan na-detain dahil sa umano mga sub-leaders ng Abu Sayyaf terrorist group.


Gayundin, sinabi ng pulisya na ang tatlong suspek ay may pending criminal case na murder, frustrated murder, kidnapping at illegal detention.


Ayon naman kay PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., sinaksak ng tatlong suspek si Police Corporal Roger Agustin sa pagtatangka ng mga itong tumakas subalit isa pang officer on duty ang nagawang paputukan sila.


Tumakbo naman si Sulayao sa custodial cell ni De Lima at ginawa siya nitong hostage.


Agad na nakipag-negotiate ang mga miyembro ng Special Action Force (SAF) kay Sulayao subalit nabigo sila rito. Gayunman, kalaunan ang mga suspek ay kanilang ring na-neutralize, ayon sa PNP.


Batay pa sa report, ligtas na ang dating senadora habang si Agustin ay agad na isinugod sa ospital.


Maglulunsad naman ang mga pulisya ng malalimang imbestigasyon kaugnay sa insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page