ni Ambet Nabus @Let's See | May 28, 2024
Dahil sa sobrang PDA (public display of affection) as per our mga kapwa Uragon from Bicol put it, ang next eksena raw na wish nilang makita ay ang wedding nina Gov. Luigi Villafuerte at Yassi Pressman.
Sa katatapos lang kasing Kaogma Festival, talaga raw nilamutak ng halik ng gobernador ang nobya sa harap ng kilig na kilig na mga kababayan nito.
“Talagang torrid kissing na sila na parang eksena sa sine,” sigaw pa ng mga nagbalita sa amin na umaasa ring hindi lang pampulitika ang mga ganu’ng galawan.
Well, ‘wag naman daw sanang gamitin sa pulitika ng gobernador ang affair nila ni Yassi para lang makahakot ng mas maraming tao.
Na sana raw ay hindi naka-status quo sa term ni Gov. Villafuerte ang relasyon nito sa aktres, na in fairness daw ay nag-aaral na ng Bicol dialect and custom dahil feel na nga nitong maging reyna rin ng bahaging ‘yun ng Bicol.
Nakuha lang daw dahil kay Issa na utol ni Yassi na GF ni Gov. Luigi… JAMES, NAG-PERFORM SA BICOL, INOKRAY NA TRYING HARD
However, may mga kababayan din tayong inokray-okray naman ang latest song ni James Reid na Hurt Me Too.
Sa parehong festival sa Bicol, ipinerform nga ni James ang naturang song at sobrang flop daw ang reception ng mga tao dahil hindi naman daw ito maganda.
May mga namintas pang bakit daw nagpipilit maging singer si James gayung very ordinary naman diumano ang boses nito at galawan sa stage.
Pero para balanse naman ang observation ng mga nakapanood ng performance ni James, tinitilian pa rin daw naman ito at mahusay pa ring magpakilig dahil nga sa hindi naman daw nawala ang kaguwapuhan nito.
Which leads many netizens to asking kung meron daw bang ‘papel’ sa naturang booking ni James si Issa Pressman dahil sa konek nito sa mga organizers lalo na kay Gov. Luigi Villafuerte na boyfriend ng kanyang ateng si Yassi?
Hmmm....
תגובות