After kumalat na nandiri raw kay Vice… SHUVEE, BIGLANG NANAHIMIK
- BULGAR

- 45 minutes ago
- 2 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | December 3, 2025

Photo: IG Shuvee
Maraming netizens ang nagtatanong kung bakit tila nanahimik ang kapaligiran ngayon ni Shuvee Etrata.
Noong bagong labas siya sa Pinoy Big Brother (PBB) house ay phenomenal ang kanyang mabilis na pagsikat. Pinagkakaguluhan si Shuvee kahit saan magpunta at dumagsa sa kanya ang malalaking product endorsements.
Halos wala na siyang pahinga dahil sa sunud-sunod niyang TV guestings. Mala-Cinderella ang kuwento ng kanyang buhay.
Marami ang humanga sa kanyang pagiging masipag at mapagmahal na anak at kapatid. Pinuri rin ang kanyang pagiging totoo sa sarili at down-to-earth niyang personalidad.
Pero may isang insidente rin na na-bash si Shuvee dahil sa kumalat na lumang interview niya na binanggit niyang tila nandidiri siya kay Vice Ganda. Biglang nanahimik ang mundo ng aktres.
Ganunpaman, sa kabila ng maraming pagsubok na kanyang pinagdaanan, hindi na nagpaapekto si Shuvee sa mga bashers. Tuloy lang siya sa mga commitments na tinanggap.
At dahil malapit na ang Pasko, babawi siya sa kanyang pamilya. Papasayahin niya ang kanyang mga magulang at mga kapatid.
Bukod sa regalo, maglalaan siya ng oras upang makasama at makapiling sa Pasko ang kanyang mga mahal sa buhay.
Bukod sa game show niya…
WILLIE, GUSTONG MAG-PRODUCE NG SHOW PARA MAGBIGAY-TRABAHO
Maraming loyal fans ni Willie Revillame ang nagtatanong kung eere na ba ngayong Disyembre ang bagong game show niyang Wilyonaryo.
Wala pang binabanggit ang TV host kung kailan ito ilalabas. Basta ang balita ng ilang mga insiders ay sa Wil Studio ng TV5 ito nagda-dry run ngayon.
Hands-on si Wil sa pag-aayos ng set, lightings, at pati ang mga segments ng show. Wish naman ng mga suki ng programa ni Willie, sana raw ay mamudmod siya ng mga giveaways at cash bago mag-Pasko, lalo na sa mga senior citizens na loyal sa panonood ng Wowowin noon.
Tiyak naman na mapupuno ng mga sponsors ang Wilyonaryo kapag nag-umpisa na itong umere.
At balita namin, hindi lang ito ang mapapanood sa WilTV Channel 10, balak din daw ni Revillame na mag-produce ng iba pang shows upang mabigyan ng trabaho ang ibang artists na bakante ngayon.
KAMAKAILAN ay nag-guest si Amanda Page sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) upang i-announce ang kanyang pagbabalik-showbiz. Matagal din na nawala sa sirkulasyon si Amanda at piniling manirahan sa USA.
Naging tahimik at simple lang ang kanyang pamumuhay doon. Pero nang nagkita sila ng dati niyang mentor na si Maribeth Bichara, hinimok siyang magbalik-showbiz. After all, maganda pa rin naman si Amanda at puwede pang pang-leading lady.
Inamin din niya ang tunay na dahilan ng kanyang pag-quit noon sa showbiz. May kumalat diumano na sex video niya, kaya labis siyang naapektuhan at na-depressed.
Pero ngayon ay naka-move on na si Amanda Page at babalikan na ang kanyang career.
Nagpaabot din siya ng pasasalamat sa VIVA Films na nagbigay sa kanya ng mga pelikula, kay Fernando Poe, Jr. (FPJ) na nakapareha niya sa isang project, at sa mentor/friend niyang si Maribeth Bichara.








Comments