top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

After kumalat na lihim na nakipagkita kay Daniel…KATHRYN, IN-UNFOLLOW SI ANDREA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 18, 2023
  • 1 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | November 18, 2023




Sa pag-unfollow ni Kathryn Bernardo sa IG account ni Andrea Brillantes, lalong nabuo ang hinala ng mga nakasubaybay sa mga ganapang 'hiwalayan at isyu ng relasyon ng KathNiel.'


Hindi na nga raw mapapasubalian ang mga ginagawa ni Kath bilang reaksiyon sa pinag-uusapang isyu.


Mula nga raw sa pagtanggap ng kakaibang role sa A Very Good Girl, sa mga poses nito sa socmed showing some skin, pag-cover sa magazine na very daring and bold, at nitong huli ay ang sinasabing "napilitang" pakikipagsayaw kay Daniel Padilla sa isang golf event, madaling mag-isip na may isyu nga.


Pero ang ikinaloloka namin, mga Ka-BULGAR ay ang tsismis na kumakalat din na diumano'y nagbabalak na o may mga nagaganap nang usapan sa umano'y planong paglipat ni Kathryn ng management outfit?


Nakakaloka ang tsismis na ito, pero hindi naman din siguro imposible, ‘noh?



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page