top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

After kumalat na kasal na kay Coco… JULIA, OBYUS NA BUNTIS, PINAGPIPIYESTAHAN

BULGAR
Jun 17, 2022
2 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | June 17, 2022



Sentro ng usapan ng mga netizens sa social media si Julia Montes. Topic ng tsikahan nila ang hitsura at suot na singsing ni Julia sa piktyur niya on her latest Instagram post.


Naintriga ang mga Marites sa suot na diamond ring ni Julia sa piktyur. Hinala nila, engagement ring na ‘yun. At siyempre, duda nila, ang nababalitang partner ni Julia na si Coco Martin ang nagbigay sa kanya ng singsing.


“Napansin ko ‘yung singsing."


“Awww… Mrs. Coco.”


“Hala, ang yaman-yaman ni Cardo, tapos 'yung singsing, ang liit ng bato? 'Kaloka, makunat pala 'yan.”


“Matagal nang suot ni Julia ang singsing na 'yan mula maging sila ni Coco, 'di pa ganu'n kayaman si Coco.”


“Baka promise ring?”


Pero bago pa nito, una na ring kumalat ang tsismis na kasal na sina Coco at Julia dahil may nakapansin ding may suot na singsing ang aktor sa eulogy niya sa burol ng kanyang 'lola' na si Ms. Susan Roces-Poe.


Anyway, bukod sa singsing, napansin din ng mga netizens ang hitsura ng face ni Julia, pati na ang unan na nakatakip sa bandang tiyan ng Kapamilya actress.

“Na-haggard na siya.”


“Parang may tinatakpan…”


“Anyare, parang tumanda siya?”


“Natuyot. 'Yung mga kasabayan niya, fresh pa din.”


Ipinagtanggol naman si Julia ng ibang netizens.


“Buti pa siya, haggard pero maganda pa rin. Tayo kaya, ano'ng hitsura ng haggard natin?”


"'Pag may foreign blood, lalo na European, parang mas mabilis talaga silang mag-mature ang look. Sa skin, built, etc. kesa sa Asians.”


“Lahat ng tao, 'pag nakadamit, may tinatakpan.”


May mga comments sa Instagram post ni Julia na nagagandahan sila sa kapareha ni Coco sa FPJ’s Ang Probinsyano.


“Sobrang ganda naman ng queen namin.”


“Woowww fresh na fresh at super GANDA…Balik ka na, pls. (three praying emojis) sa FPJAP, hindi na galit si Armando at Lolita (laughing emoji)…Kailangan ka ni Cardo at ng mga Agila. Kawawa si Lucas at siya na lang ang natitirang matino sa grupo n'yo…”


Kasunod nito ang comment sa pagpansin sa katawan ni Julia kahit kalahati paitaas lang naman ang kita sa piktyur.


“Tumaba ka bigla, Juls.”


“Hehe, Baby No. 2 na raw, ayon sa latest ng mga Marites.”


“Is she pregnant?”


“Possible, kasi tingnan mo, nakaupo, nakatago ang belly.”


“I think she’s pregnant. On hold 'yung character niya sa Probinsyano, itinapon sa dagat at for sure 'di naman patay. 'Di rin siya nagpunta sa burol ni Susan Roces, nag-post lang siya, majority ng post niya, may unan na takip sa tummy.”


O, 'di ba? Kagagaling mag-observe ng mga netizens!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page