After kumalat na break na… RABIYA, BINURA NA NI JERIC SA IG NIYA
ni Nitz Miralles - @Bida | June 26, 2022

Ano'ng nangyayari kay Jeric Gonzales?
Tanong ito ng mga followers niya sa Instagram dahil binura nito ang mga posts niya sa IG at isa lang ang itinira. Ang hindi lang binura ni Jeric sa mga posts niya ay ‘yung kasama niya sina Boy2 Quizon at Royce Cabrera na mga co-stars niya sa Start-Up Ph.
Wala na ang mga photos nila ni Rabiya Mateo at nadamay pa ang iba niyang post na wala namang kinalaman sa breakup nila ng GF. Open ang comment box sa naiwang nag-iisang post ni Jeric sa IG at may mga nagtanong kung totoong break na ba sila ni Rabiya?
May mga naartehan naman sa pagde-delete ni Jeric sa mga posts niya sa IG. Hindi pa raw siya sikat, maarte na.
May nagpayo naman kay Jeric to be strong at unahin muna ang kanyang career bago ang love life. Sayang daw kung dahil lang sa breakup nila ni Rabiya, made-depress siya at maaapektuhan ang kanyang career.





Comments