top of page

After kumalat na BF si Konsehal Mark Romualdez… SARAH, IPINAGSIGAWANG SINGLE SIYA PERO MASAYA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 13
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | August 13, 2025



Image: Sarah Lahbati - IG



Ikinatuwa ng mga fans ang TikTok (TT) na magkasama sina Anne Curtis at Sarah Lahbati. Nagsayaw ang dalawa at panigurado, nagkumustahan at nag-usap. Kung ano ang kanilang napag-usapan, hindi natin alam.


Hindi naman siguro magre-react si Richard Gutierrez sa caption sa post kina Anne at Sarah na: “Past loves of Richard Gutierrez” dahil totoo naman ito. Matagal din ang naging relasyon nina Anne at Richard bago sila nagkahiwalay.


Si Sarah ang nag-post ng photo nila ni Anne sa kanyang Instagram (IG) Story na magkayakap. May comment si Anne na, “This woman.” 

Comment naman ng fan, “Iba talaga ang mga legit.”


And speaking of Sarah, nabanggit nito sa reels video na she’s single, but happy. 

Tanong ng mga fans, ibig daw bang sabihin, hindi totoo ang tsikang boyfriend niya si Tacloban Councilor Marty Romualdez na anak ni House Speaker Martin Romualdez? 

May nagpalagay naman na baka break na ang dalawa, kaya nasabi ni Sarah na single siya.


Hindi pa nga nakumpirmang magkarelasyon sina Sarah Lahbati at Marty Romualdez, heto ang balitang break na sila? Hindi man lang daw naispatan na magkasama ang dalawa, tapos na agad ang relasyon.



ANG maganda at masayang balita ni Barbie Forteza, extended until next week ang P77, ang movie na kanyang pinagbibidahan. On its third week na rin ang pelikula na hindi lang maganda ang review, maganda rin ang box office result.


Ang balita last week, umabot na sa P50 million ang gross ng movie at madaragdagan pa dahil extended ang showing. Naso-soldout ang tiket at maraming block screenings na bigay ng mga brands na ine-endorse ni Barbie, her fans, and friends. 


Hindi siya pinabayaan ng mga nagmamahal sa kanya, kaya sabi nito, “Napakasaya ng puso ni Luna. Maraming salamat!!!”


Ang Luna na binanggit ni Barbie ay ang pangalan ng karakter niya sa nasabing pelikula na hindi ka lang tatakutin, pasisigawin ka sa gulat at paiiyakin. 

Nakatulong din para mas marami ang makapanood sa P77 ang pinababa at special ticket price sa SM cinemas. Sana, lahat ng sinehan, ganito na ang ticket prices para mas masaya.


Samantala, umiwas nang ma-bash sina Barbie at Jameson Blake na nabalitang magkasama sa birthday party ng isang beauty at wellness clinic owner na kabilang ang aktres sa mga endorsers. Magkasama raw ang dalawa, pero walang photos nila na lumabas. Walang photos, wala ring bashing.



BONGGA si Kyline Alcantara, um-attend pala ito ng wedding ng friends niya sa Milan, Italy, kaya lumipad. 


Maiinis na naman ang mga bashers ng Beauty Empire (BE) actress dahil umabot na siya sa ibang bansa para lang dumalo ng wedding. Idagdag pa na mga socialites ang kasama ng aktres. 


Sabi kasi ng mga bashers nito, nakikipagkaibigan lang siya sa mga sosyal para maging sosyal din.


Ayun, nag-enjoy sa Milan si Kyline at kasunod nito, may show din siya sa Canada this August din. Makakasama niya rito sina Ruru Madrid at Ai Ai delas Alas. 


Hindi na lang pinapatulan ni Kyline ang bashing sa kanya, trabaho na lang siya nang trabaho. Kung tama kami, kaya masipag siyang magtrabaho ay dahil gusto niyang mabigyan ng bahay ang kanyang pamilya.


Pinayuhan din si Kyline ng mga kaibigan na huwag muna siyang magka-love life, i-enjoy muna ang pagiging single at piliin ang lalaki na sunod niyang mamahalin. 

Sa ngayon, mag-enjoy muna siya sa buhay, na siya naman nitong ginagawa.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page