After kina Herlene at Bianca, kay Darna naman… JANE, SPOTTED NA KASAMA SI ROB SA TAIWAN
- BULGAR

- Jul 2, 2024
- 2 min read
ni Beth Gelena @Bulgary| July 1, 2024

May post si Jane de Leon kung saan nasa Taiwan siya.
Aniya sa kanyang Instagram page, “Finally! Had a chance to try ICHIRAN for the first time.
It’s a 10 for me!”
Well, nakitang may kasamang guy ang aktres.
Tanong ng netizen, “Si Rob Gomez ba ‘yun?”
Follow-up naman ng isang netizen, “Juice ko, Jane, ‘di mo naman siguro ka-level si Hipon (Herlene Budol) para pumatol sa nambubugbog ng ka-live-in, 'no!”
Tanong ng mga netizens, “Sila ba?”
“May bagong playmate si Rob.”
“Maryosep, Jane, mag-isip ka.”
“‘Yan na ang lalong pagbagsak ng lipad ni Darna.”
“‘Di naman nakalipad ang Darna n’ya, puro lagpak. Ouchhhh, sakit.”
Huwag daw bigyang-kahulugan na nakitang magkasama ang dalawa, pagtatanggol ng
isang commenter.
“May movie po sila na isinu-shoot sa Taiwan with Rob, MJ Lastimosa and Enrique Gil. Day-off nila for shooting kaya kumain sila ng Ichiran. Marami silang magkakasama d’yan, LOL (laugh out loud).”
Tanong ng isang netizen, “Bakit dinelete?”
Napag-usapan din ng mga netizens kung sino si Rob Gomez.
“Sino ulit ‘yung Rob Gomez?”
“The guy involved in the Hipon Girl (Herlene Budol), Bianca Manalo thing.”
“Ito lang ‘yung Darna na hindi umusad ang career, tapos jojowain pa ‘yang Rob na ‘yan.
Meaning, career found dead in a ditch na talaga si Jane.”
“Binitawan na rin yata ng Star Magic ‘tong si Jane De Leon, wala na s’yang follow-up project after Darna. Hindi naman n’ya kasalanan na flop ‘yung series.”
Lumipad daw pa-Korea…
ANDREA, NAKA-WEDDING DRESS NA, ININDIYAN PA NG GROOM

MAY post ang aktres na si Andrea Brillantes sa kanyang Instagram kung saan naka-bridal veil siya with matching white mini-dress na ginawa niyang biro ukol sa nakawiwindang niyang “wedding reception.”
“Wedding reception, pero ‘yung groom ko, hindi nag-attend, nag-fly agad to South Korea. Eme, Huhuhu!” birong caption ni Blythe (real name ni Andrea) sa kanyang IG page.
Kamakailan lang ay nagpaka-fangirl si Andrea sa concert ng Korean actor na si Kim Soo-hyun.
Nasa ‘Pinas ang popular Korean actor for a meet-and-greet event with his Pinoy fans at isa si Andrea Brillantes sa mga pumunta at suot nga ang bridal dress with veil.
IKINABAHALA ng mga fans ni JK Labajo nang makita nilang nasa loob ng ambulansiya ang singer-actor.
Sa latest post ni JK ng kanyang piktyur sa social media ay naalarma ang kanyang mga followers dahil aligaga ang medics na binabalutan ng bandage ang left hand ni JK.
Hindi na nag-elaborate si JK kung ano ang nangyari sa kanyang kaliwang kamay. Pero base sa mga larawan, nangyari ang hindi inaasahang aksidente sa Camarines Sur nang mag-perform siya sa live concert para sa selebrasyon ng Kaogma Festival.
Wala namang masyadong injury na nangyari kay JK Labajo kaya agad din siyang pinalabas pagkatapos na malapatan ng first aid.





Comments