After ipahuli ng mayor sa San Juan… JINGGOY, NAGLILIBOT SA MGA PROBINSIYA PARA MAMUDMOD NG BANGUS
- BULGAR

- Jul 28, 2020
- 2 min read
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | July 28, 2020

Naalarma na rin si former Sen. Jinggoy Estrada sa pagtaas ng bilang ng mga COVID cases sa bansa lalo na nga sa kanyang lugar sa San Juan. Takot na takot na nga raw siyang lumabas at sana nga ay matapos na ang problemang ito.
Nakausap si Jinggoy ng entertainment press via Zoom conference last Sunday.
“Gusto ko nang matapos ang problemang ito para makapamuhay na tayo nang normal. Hindi tayo makakilos talaga, eh. 'Pag pupunta ako sa mall, natatakot ako. 'Pag magdi-distribute ako ng bangus sa ibang probinsiya, natatakot din ako. 'Pag magbibigay ka ng tulong sa labas, nakakatakot din. 'Di mo alam kung COVID positive na ‘yung kausap mo or whatever,” he said.
Mabuti na nga lang daw at nakalaya na siya dahil kung inabutan siya ng pandemya habang nakakulong sa Camp Crame ay baka namatay na siya sa lungkot dahil nga hindi siya puwedeng dalawin ng kanyang pamilya.
Pero habang kaya nga raw niyang tumulong ay tutulong pa rin siya. Patuloy pa rin siya sa pagdi-distribute ng mga bangus lalo nga sa mga kalugar niya sa San Juan kahit na nga ba ipinahuli siya ng mayor ng lungsod nu'ng nakaraang Mayo dahil inakusahan siyang hindi sumusunod sa social distancing protocol.
Bangus King nga ang tawag ngayon kay Jinggoy dahil sa pagdi-distribute niya ng bangus. Galing daw kasi ito sa fishpen sa Zambales ng kanyang inang si former Senator Loi Estrada.
“Because of the pandemic, naglakihan na ang mga bangus niya, wala namang gustong bumili. Ang lalaki ng bangus, sabi nga nila, baby shark. So, sabi ng nanay ko sa akin, ‘Sige na, ipamigay mo na lang sa mga mahihirap sa San Juan.’ So, that’s what I did.
“So, tuwing may harvest, nagbibigay ako ng bangus. Siguro, nakaka-5 harvest na, talagang malalaki ‘yung mga bangus.
“Now, simula nang ipinahuli ako ng mayor dito, pumupunta ako sa probinsiya. Nakapunta na ako sa Bulacan, sa Nueva Ecija, sa Pampanga, para mag-distribute ng bangus,” kuwento ng dating senador.
Nagbigay din ng update si Jinggoy sa kanyang comeback movie na Coming Home. Siya ang nag-produce nito’t siya rin ang bida na official entry na nga sana sa Summer Metro Manila Film Festival na originally scheduled ng April, 2020 pero nakansela because of the pandemic.
Balak daw niyang isali ito sa Metro Manila Film Festival sa December pero makapasok man ay baka nga raw hindi na maibalik ang puhunan niya since magiging limitado rin ang tao sa mga sinehan.
Natanong nga rin si Jinggoy kung ano ang maipapayo niya sa mga artistang nawalan ng trabaho at biro niya, pare-pareho lang naman silang walang trabaho ngayon.
But kidding aside, may mga artista na rin daw siyang natulungan na ayaw na niyang banggitin ang mga pangalan.
“Siyempre, alam ko naman ang katayuan nila. Minsan, kapag walang show, walang taping, walang shooting, alam mo ‘yun? Nakakaawa rin, eh.
"But I can only give so much, kasi wala rin naman akong trabaho. Buti kung senator ako or mayor ako or whatever, mas makakatulong ako.”
Gustuhin man daw niyang tulungan ang lahat ng artistang nawalan ng trabaho ay hindi niya kaya. Kaya ang payo niya ay mag-isip din daw muna ng ibang pagkakakitaan ang mga ito. Marami rin naman daw ibang paraan lalo na nga sa online world.





Comments