After Indonesia… P-BBM, patungo na ng Singapore
ni Lolet Abania | September 6, 2022

Umalis na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ngayong Martes ng umaga sa Indonesia at nagtungo na sa Singapore bilang bahagi ng kanyang inaugural state visits ngayong linggo.
Nakaiskedyul si Pangulong Marcos na pumunta sa Singapore mula Setyembre 6 hanggang 7 para sa kanyang hiwalay na meetings kina Singaporean President Halimah Yacob at Prime Minister Lee Hsien Loong, kaugnay ito ng bilateral relations at iba pang usapin ng dalawang bansa.
Ayon sa Office of the Press Secretary, batay sa Presidential Security Group (PSG), umalis si P-BBM sa Indonesia ng alas-10:12 ng umaga.
Noong Linggo, sa kanyang departure speech patungo Indonesia, sinabi ng Chief Executive na inaasahan niyang makapagdadala siya pauwi ng ani o harvest ng mga investment deals na makapagpapalakas ng economic relations ng bansa sa Singapore gayundin sa Indonesia.
“I shall meet both President Halimah Yacob and Prime Minister Lee Hsien Loong to renew our commitment to deepen bilateral relations, explore options for advancing our economic ties, as well as discuss regional and global issues. Prime Minister Lee and I will also witness the signing of several agreements,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Ayon sa Pangulo, ang Singapore ay naging top trading partner ng Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at top source ng mga inaprubahang investments noong 2021.
Aniya pa, ang Singapore ay siya ring tahanan ng 200,000 Pilipino at sadyang ipinagmamalaki sila ng Pilipinas dahil sa kanilang kontribusyon sa ekonomiya ng parehong bansa.





Comments