After ‘di matuloy ang kasal kay Paola… MAX, NIYAYA NG DINNER DATE NI RYAN BANG

ni Beth Gelena @Bulgary | September 19, 2026

Photo: IG _maxcollinsofficial & _ryanbang
Mukhang nag-level-up na ang pambobola ni Ryan Bang kay Max Collins.
Sa episode ng It’s Showtime (IS) nitong Huwebes, Setyembre 17, naging kapansin-pansin ang ginawa ni Ryan nang magkaroon siya ng pagkakataong makausap ang magandang aktres na nagsisilbing hurado sa programa.
Si Ryan ang may bitbit ng bowl of questions nang magkaroon siya ng espesyal na tanong para kay Max.
Hindi na rin pinalampas ng ‘oppa’ ang pagkakataong yayain sa dinner ang aktres.
Kung dati ay coffee invite lamang ang usapan, nagkaroon ito ng kasunod na level.
Kaya naman, nakatawag-pansin sa mga nasa studio ang paglalakas-loob ni Ryan sa magandang hurado.
Matutuloy kaya ang dinner na inialok ni Ryan kay Max?
Handa na kayang magka-GF uli ang binatang Koreano after maudlot ang kasal nito kay Paola Huyong?
Abangan ang susunod na kabanata!
NAPANSIN ng mga netizens ang magaan at nakakaaliw na palitan ng mensahe sa Instagram (IG) ni Jodi Sta. Maria at ng dating asawa niyang si Pampi Lacson tungkol sa kanilang anak.
Nagbahagi si Pampi ng throwback photo ng anak nila ni Jodi na si Thirdy, na makikitang karga ang kanyang nakababatang kapatid na si Hiromi Aiko Eve (anak naman ni Pampi sa partner na si Iwa Moto).
Kalakip ng larawan ang sentimental na caption ni Pampi: “They say that no matter how old you become, when you are with your siblings, you revert back to childhood @iamthrds @hiromi.aiko.eve.”
Hindi naman nakaligtas sa paningin ni Jodi ang cute na throwback photo kaya nag-iwan siya ng komento.
Sey ng aktres, “Cute nila.”
Agad itong sinagot ni Pampi at nakipagbiruan sa dating asawa.
Comment nito (as is): “@jodistamaria Oo, Jodz, mga panahong cute pa silang dalawa d’yan. Pero ngayon, nakaka-tacute (takot+cute) na.”
Naki-join din si Iwa sa kanilang masayang palitan, na sinundan ni Pampi ng biruan tungkol sa kanilang anak na si Mimi.
Aniya, “@iam_iwa nakakatakot ‘pag maglalambing si Mimi, eh, ibig sabihin may iuutos. Hahaha!”
Humirit naman si Jodi, “@iampampi Hahaha! Ikaw talaga.”
Dahil sa naturang exchange, muling napansin ang maayos at magaan na samahan nina Jodi, Pampi at Iwa, partikular sa pakikitungo nila sa isa’t isa bilang mga magulang at bahagi ng isang blended family.
Matatandaang naging panauhin din noon si Iwa sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), kung saan napag-usapan ang pagkakaibigan nila ni Jodi.
Ibinahagi ni Iwa na naging malapit sila sa isa't isa ng aktres at malaking bahagi ng kanilang pagkakaibigan ang pagmamahal nila kay Thirdy.





Comments