top of page
WINNER - ALEX, INILANTAD NA ANG PAGBUBUNTIS-IG _cathygonzaga.jpg

After daw silang laitin ng vocalist… DDS, NAGBUBUNYI NA NA-POSTPONE ANG CONCERT NG CUP OF JOE SA DAVAO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 11 hours ago
  • 3 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | May 22, 2026



LET’S SEE - DDS, NAGBUBUNYI NA NA-POSTPONE ANG CONCERT NG CUP OF JOE SA DAVAO-IG _cupofjoemusicph

Photo: IG _cupofjoemusicph



Ngayong na-postpone na ang dapat na May 30 concert ng kilalang banda na Cup of Joe (COJ) sa Davao City, tila nagbubunyi ang mga supporters ng mga Duterte sa napakaepektibong pag-call out dito ni Wency Cornejo.


Bago pa man kasi inianunsiyo ang naturang postponement ng concert ay tahasan nang kinol-out ni Wency ang sa palagay niya ay ‘disrespect’ sa mga Davaoeños, lalo na raw sa mga supporters ng mga Duterte.


Diretso rin kasing ‘nilibak, kinantiyawan o pinrovoke’ ang mga DDS ng lead vocalist ng COJ na si Gian Bernardo sa pamamagitan ng socmed (social media) post nito sa kasagsagan ng promo ng dapat ay Davao City concert.


Sey nga nito sa kanyang post gamit ang isang online game, “Who’s most likely to survive a zombie apocalypse?”


Itinuro umano ni Gian ang kanyang sarili, sabay sabing “Duh, ‘di nila hinahabol ang mga bobo,” obviously referring daw sa mga DDS o mga diehard Duterte supporters.

Sinundan pa raw at nag-share pa si Gian ng screenshot ng naturang game with his quote at caption na: “Suwerte ng mga DDS kung sakali [green heart emoji].”  


Sinagot agad ito ni Wency na isang dating kilalang singer-concert producer artist, na tila nagbababala o nagbabanta sa kanyang tanong na, “Sino kaya (ang) producer ng show ng Cup of Joe sa Davao? Naku, mag-isip isip ka na…”


Ilang araw daw after ng naturang post ng parehong singers ay may lumabas na ngang anunsiyo na ‘postponed’ na ang concert ng COJ sa Davao City.


Sinabi sa anunsiyo na merong pupuntahang awards event ang banda on the same date kaya’t postponed na raw ito at walang binanggit kung kailan ito matutuloy.


Ang paniniwala naman ng marami ay naduwag at natakot nga ang banda sa posibleng kahantungan ng kanilang Davao leg. 


Sey pa ni Wency sa parehong post niya, “Baka langawin, multuhin o ‘di tauhin ang concert ng tila hambog na lead vocalist ng banda.”


Samantala, magkakaroon ang sikat na banda ng SANDALI: The Cup of Joe Music Fest ngayong May 23 sa Philippine Sports Stadium sa Bulacan.





Umay na umay na raw… 

REGINE AT OGIE, MAS GUSTO PANG MANOOD NG K-DRAMA KESA BALITA SA ‘PINAS



Marami rin ang nakakaunawa at natutuwa sa pagiging totoo ni Asia’s Songbird Regine Velasquez sa post nito hinggil sa panonood ng K-drama (South Korean Drama) vs. pagtutok sa mga TV news tungkol sa mga kaguluhan sa pulitika.


Kuwela pero napakatotoo nga raw ng post ni Regine dahil sa mga panahong ito, mas importante nga raw ‘yung magkaroon muna ng ‘stable mental health o condition’ ang mga Pinoy dahil sobra-sobra na nga raw ang mga problema ng bayan.


“Totoo namang nakakatorete na ang mga balita,” bahagi pa ng post ni Regine kaya’t sa mga free time raw nila sa bahay ng asawa niyang si Ogie Alcasid at anak na si Nate, mas pinipili nilang manood ng mga K-dramas kesa magbabad sa mga news programs.


Pero hindi naman umano nito ibig sabihin na wala na silang pakialam sa mga nangyayari sa bayan.


Sa mga ganitong panahon daw kasi ay higit na pagdarasal ang kailangan ng lahat para mabigyan ng wastong pag-iisip at mga kalmadong damdamin ang lahat ng mga lider ng bansa na may tungkulin at hangaring maglingkod sa lahat.


At dahil may adbokasiya raw silang mag-asawa hinggil sa pagkakaroon ng stable na mental health, mabuti raw na sila mismo ang makaranas ng kanilang ipini-preach o pagsulong nito batay sa kanilang mga karanasan at kung paano nga nila ito nalalabanan.


“Basta’t may Tagalog o naka-dub sa English, ha? Masakit din kasi sa bangs ‘yung may mga subtitles pa,” hirit pa ni Regine sa panonood nila ng mga K-dramas, kung saan puring-puri nito ang mahuhusay daw na mga batang Korean actors.


Samantala, dedma at tila wala naman itong isinagot sa tanong ng ilang netizens sa kanyang post tungkol sa kanyang saloobin sa nangyayari ngayon kay Sen. Robin Padilla sa Senado, na naging leading man din niya sa pelikula.


Tila sa mga naglalabasang balita sa showbiz, mabibilang lang o baka nga raw wala man lang nagtatanggol o kumakampi sa aktor-pulitiko hinggil sa mga aksiyon at ginagawa nito sa Senado.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page