top of page

After awayin ng anak… MADIR NI CARLOS, NAGKAROON NG MARAMING BFF SA SOCMED

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 27, 2024
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Sep. 27, 2024



Showbiz News

Marami pang non-showbiz personalities ang tumatangkilik sa live selling ni Angelica Yulo upang kumita para sa pangangailangan ng kanyang pamilya. Bukod sa kanyang mga anak, nasa poder din kasi niya at kinukupkop ang kanyang ina at mga lolo at lola na pawang senior citizens. 


Nagkaroon din siya ng maraming kaibigan sa socmed simula nang talikuran sila ng kanyang anak na si Carlos Yulo. 


Naging blessing in disguise ang nangyari sa pamilya Yulo dahil sunud-sunod na biyaya ang dumating sa kanilang buhay. Maging ang social media personality at content creator na si Boss Toyo ay nakisimpatya sa nanay ni Carlos. 


Nakita ni Boss Toyo na sa kabila ng kanilang family problems, nagpatuloy si Nanay Angelica sa paghahanapbuhay upang maitaguyod ang iba pa niyang anak at mga mahal sa buhay. Nagbebenta si Nanay Angelica ng longganisa at nagla-live selling pa ng mga branded na damit. 


Bilang tulong na rin sa pamilya Yulo, nag-pledge si Boss Toyo na bibili ng damit na nagkakahalaga ng P5,000. Malaking tulong ito kaya nagpasalamat si Nanay Angelica kay Boss Toyo.


Panawagan din ng nanay ni Carlos, sana naman, ang mga nag-mine ng mga items sa kanyang live selling ay huwag manloko at talagang bilhin ang kanilang ipinareserbang damit. Hindi biro ang effort kapag nagla-live selling siya.


Malaking pahulaan sa showbiz kung sino ang tinutukoy na celebrity na buntis daw ngayon.


May ilang nagsasabi na si Sarah Geronimo ang nasa blind item dahil nag-slow down na siya sa mga tinatanggap na commitments. 


Sa isang interbyu, sinabi ng mister niyang si Matteo Guidicelli na looking forward na sila ni Sarah na magkaroon ng baby. 


Pero meron ding nagsasabing ang beauty queen na si Megan Young ang tinutukoy na buntis dahil sa ibinigay na clue na nagbigay daw siya ng karangalan sa ating bansa. 


Matagal-tagal na ring walang update tungkol kay Megan. Wala siyang kahit na anong guesting sa anumang show ng GMA Network. 


Nananahimik si Megan Young at maging ang kanyang mister na si Mikael Daez ay walang paramdam kung ano ang pinagkakaabalahan ngayon ng beauty queen. Hindi na rin sila gaanong active sa socmed. 


Sana ay may umamin na kina Sarah Geronimo at Megan Young kung sino sa kanila ang buntis.



INAMIN ng Kapuso actress na si Carla Abellana na malapit na siyang mag-menopause sa edad na 37 dahil sa kanyang sakit. 


Marami ang nanghihinayang para kay Carla dahil pangarap ng karamihan sa mga babae na magkaroon ng anak. 


Kung nagpakasal sana nang mas maaga sina Carla at Tom, baka nagkaroon pa sila ng anak. Twelve years silang nagkarelasyon bago nagpakasal, ngunit tatlong buwan lang matapos ang kasal, naghiwalay din agad. 


Si Carla ang umayaw kay Tom at hanggang ngayon, halos tatlong taon mula nang maghiwalay sila, hindi pa rin nila sinasabi ang totoong dahilan. 


Umalis si Tom sa Pilipinas at nanatili sa USA kung saan na-grant ang kanilang divorce dahil US citizen ang aktor. Ngayon, kung gugustuhin ni Carla, maaari na rin siyang magpakasal ulit. 


Sa kabila ng lahat, naka-focus siya sa kanyang career at marami ang pumupuri sa kanyang acting sa seryeng Widows’ War (WW) kasama sina Bea Alonzo, Jean Garcia, Jackielou Blanco, Tonton Gutierrez, atbp..



PETITE, pero may class, ang beauty ni Anne Curtis, kaya naniniwala si Heart Evangelista na kakayanin ni Anne ang rumampa sa fashion events sa Paris, New York, at Milan. 


Kinukumbinse nga ni Heart si Anne na magsimula na ng kanyang modeling stint abroad. 


Gayunpaman, hindi magiging madali ang desisyon para kay Anne dahil sa kanyang anak na si Dahlia. Tiyak na maraming oras at araw ang gugugulin niya sa ibang bansa kapag kinarir niya ang pagrampa. 


Well, may kontrata pa siya sa Viva Entertainment at commitment na gumawa ng pelikula. Mayroon din siyang endorsements sa ilang produkto. 


Dahil dito, maaaring hindi kayanin ni Anne ang hectic na schedule ng mga fashion events. Sa kabila nito, masaya na siya sa buhay niya ngayon at hindi naman niya pangarap maging fashion icon tulad ni Heart Evangelista.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page