Search
  • BULGAR

After agawin si Julia… GERALD, NAGSELOS KAY JOSHUA

ni Janiz Navida @Showbiz Special | February 20, 2021




Iniintriga ng mga netizens ang bagong post na picture at caption ni Gerald Anderson sa kanyang Instagram account.


Nag-post kasi si Gerald ng picture niya na parang nasa gym at ang caption ay:

“Sometimes you have to stop worrying, wondering, doubting and just have faith that things will work out.”


Dahil naging kontrobersiyal at umani agad ng million views sa YouTube ang music video na ginawa ng ex-sweethearts na sina Julia Barretto at Joshua Garcia para sa kanta ni Moira Dela Torre na Paubaya, may mga nag-esep-esep na agad at nag-one-plus-one na mukhang tinablan daw at pinagselosan ni Gerald ang muling pagsasama ng JoshLia, lalo’t napakanatural nila sa naturang music video.


Ilan naman sa mga komento ng mga netizens na nabasa namin sa naturang post ni Gerald ay sinisisi ang aktor dahil sa pagsira sa relasyon nina Joshua at Julia.


Sabi ng isa, “Ikaw ang may kasalanan kung bakit nag-break ang JoshLia at kung bakit magkaaway sina Julia at Bea, Kim at Bea,” at may kasama pa itong “#demonyo”.


Wow, ang harsh naman niya kay Gerald, huh!


Natawa naman kami sa hirit ng isang netizen na, “Itong si Gerald, parang COVID vaccine, gusto ata, lahat ng leading lady niya, turukan.”


Nyahaha! Ano kaya’ng klaseng bakuna si Gerald, SINOVAC… o NANIBAK! Char!

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.