top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

After 9 years, mga biktima ng Super Bagyong Yolanda, kumusta na?

BULGAR
Nov 7, 2022
1 min read

@Editorial | November 7, 2022


Bukas Nobyembre 8, ang ika-siyam na taon ng malungkot na pag-alaala sa Super Bagyong Yolanda.


Nag-iwan ito ng napakalaking pinsala at mahigit 6,000 katao ang binawian ng buhay.


Kaugnay nito, inaasahan sa mga residente ng Leyte at Samar na magsasagawa ang mga ito ng misa at bibisita sa libingan ng kanilang mga mahal sa buhay na nasawi dahil sa bagyo.


Idineklara na ng ilang bayan at lungsod ang suspensyon ng klase at trabaho. Ito ay bilang pag-alala sa ika-siyam na taong pagtama ng Super Typhoon Yolanda noong Nobyembre 8, 2013.


Sa ginagawang pag-alaala, naiisip din natin ang mga aral sa naturang bagyo at ang mga natutunan dito ay dala rin natin sa tuwing may paparating na bagyo.


Pagbabalik-tanaw din ito sa kabayanihang nangyari at katatagang naipamalas.


Kasabay nito, umaasa tayo na nasa maayos nang kalagayan ang mga biktima ng 'Yolanda'. Bagama't batid naman natin na hindi natatapos ang pagsubok noong 2013. Marami pang bagyo at iba pang kalamidad ang nangyari.


Pero umaasa tayo na naipamahagi na ang mga ayuda na nakalaan sa kanila, may maayos na silang tahanan at hanapbuhay.


Higit sa materyal na bagay, napakahalaga rin na maiparamdam natin sa kanila na palaging may pag-asa.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page