top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

After 8 yrs., saka lang nagbatian sa socmed… MATTEO, IBINULGAR NANG SEPT. 16 ANG ANNIVERSARY NILA

BULGAR
Sep 17, 2021
1 min read

NI SARAH


ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | September 17, 2021



May pasabog kahapon si Matteo Guidicelli sa Twitter. Eight years na pala sila together ng asawang si Sarah Geronimo na tila ngayon lang niya ini-reveal.


“8 years strong,” ang tweet ni Matteo with matching red heart emoji.


Of course, ang 8 years na sinasabi ng aktor ay ang relasyon nila not as husband and wife kundi ‘yung time na nagsimula ang kanilang boyfriend-girlfriend stage.


Iba pa ‘yung wedding anniversary nila na Pebrero naman.


Nag-reply naman si Sarah G. sa kanyang mister ng simpleng “Happy anniversary.”


In the past ay hindi sila nagbabatian ng kanilang anibersaryo at hindi nga sila masyadong nag-o-open-up sa kanilang relasyon although alam ng kanilang mga fans ang kanilang anniversary date at sila na lang ang bumabati sa couple.


Kaya naman sobrang kilig ang mga AshMatt fans sa post ni Matteo kahapon. Siyempre pa, dumagsa rin ang pagbati sa mag-asawa ng kanilang mga supporters.


“Owemji, confirmed Sept. 16!! Happy Anniversary, Ashmatt!!” pagbati ng isang fan.


“Taraaay!! May pa-anniversary reveal na si Hubby! Happy Anniversary you two!” sey naman ng isa pa.


Matatandaang ikinasal sina Matteo at Sarah last year, Feb. 20, via a secret civil ceremony.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page