top of page
Search
BULGAR

After 5 yrs., together again… ALDEN, UMAMING MAS LUMALIM NA ANG RELASYON NILA NI KATHRYN

ni Julie Bonifacio @Winner | July 24, 2024



Showbiz Photo
Photo: Alden Richards at Kathryn Bernardo / IG

For the second time ay nanalo si Alden Richards ng Best Actor sa Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club para sa pelikula niya na Five Breakups and A Romance with Julia Montes.


What made his second Best Actor trophy sa Star Awards more special ay nataon ito sa ika-40 taon this year ng award-giving body at ka-tie niya ang kapwa niya Kapuso star na si Dingdong Dantes. 


First time na nanalo si Alden ng Best Actor award sa Star Awards for Movies ay nu’ng 2020 mula sa box office hit ng unang pelikula na pinagtambalan nila ni Kathryn Bernardo, ang Hello, Love, Goodbye.


Paglabas ng stage ni Alden after his acceptance speech ay nagpaunlak ng short interview sa amin.


First, inalam namin ang kanyang reaksiyon sa pagkakapanalo niya at pag-tie nila ni Dingdong sa Best Actor award. 


Sey ni Alden, “Very honored po na makasama ko si Kuya Dong dito and at the same time, thankful po ako sa recognition for Five Break-Ups and a Romance.”

Inamin ni Alden na kinabahan siya sa mga co-nominees niya na sina Piolo Pascual, Roderick Paulate, Cedrick Juan, Sean de Guzman, Alfred Vargas, Romnick Sarmenta at Christopher de Leon. 


Aniya, “Opo naman. Hindi po basta-basta ‘yung mga co-nominees ko rito sa Movie Actor of the Year. Pero nagpapasalamat po ako for this award and to the members of the PMPC.”

Samantala, anytime ay aalis ng bansa si Alden para mag-shoot ng sequel ng movie nila ni Kathryn sa Canada, ang Hello, Love, Again.


“Preparations? Okey naman po. Uh, nagtatapos lang ako ng mga few taping days with Pulang Araw para makalipad. And then, pagdating ko po ru’n, dire-diretso na po kasama ‘yung Sparkle World Tour ko po na concert,” saad ni Alden. 


Well, excited and looking forward na si Alden na makatrabaho ulit si Kathryn. 

“Yes po,” ngiti ni Alden. 


“It’s been five years din po since we did our first film together. And at the same time, parang ‘yun din po ‘yung chance namin na makapag-work ulit. And of course, to retell the story ‘yung sequel ng Hello, Love, Goodbye,” dagdag ni Alden.


Natanong din namin si Alden kung may mga nakita ba siyang pagbabago kay Kathryn after five years.


“Uh, she’s more mature now. She’s very much excited to try new things kaya ang nakakatuwa du’n sa proseso na ‘yun ay magkasama kami, of course, while doing this film,” esplika ni Alden.


Mas nae-enjoy daw niya ang friendship nila ni Kathryn at lumalim pa raw ngayon.

Bago matapos ang interbyu, tinalikuran niya kami at nagmamadaling umalis si Alden Richards nang tanungin namin kung pagbalik kaya nila ni Kathryn Bernardo ng Pilipinas from shooting sa ibang bansa ay mabago na kaya ang status ng kanilang relationship.

Me ganu’n (pahiram, Mr. Fu)?

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page