Affidavit ni Trillanes sa ‘joint bank account’ daw nina FPRRD at VP Sara
- BULGAR

- 4 days ago
- 1 min read
ni Dominic Santos @News | April 22, 2026

Photo: File
TINGNAN: Iprinesenta ni dating Senador Antonio ‘Sonny’ Trillanes IV ang kanyang affidavit kung saan nabanggit niya ang pumasok o naidepositong P2.4 bilyong halaga sa umano’y joint bank accounts nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Sara Duterte.
Sa affidavit, inilathala ni Trillanes na nakilala niya ang isang nagngangalang Joseph De Mesa na dati umanong tagasuporta ng noo’y alkalde pa lamang na si FPRRD ngunit binawi umano nito ang suporta nang malamang nagmamay-ari ng mga joint account ang dating pangulo at si VP Sara na aniya’y bilyun-bilyon ang pumapasok na pera.
Idinagdag din niya na nakuha raw ni De Mesa ang mga dokumento sa kanyang malapit na kamag-anak na nagtatrabaho sa isang ahensya na may kinalaman sa mga imbestigasyon ng mga nakaw na yaman ng mga opisyal ng gobyerno.
Pinag-aralan din umano ni Trillanes kasama ang mga staff niya at abogado ang mga dokumento at impormasyon na ibinigay ni De Mesa, at inihambing sa mga idineklarang Statements of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) nina FPRRD at VP Sara.
“Sa aming pagsusuma, lumabas na may kabuang halaga na P2,407,272,103.75,” saad pa ni Trillanes.




Comments