top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

AFF Suzuki Cup, inilipat ng ibang petsa ang torneo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 9, 2020
  • 1 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | December 9, 2020





Inilipat muli sa bagong petsa ang simula ng 2020 AFF Suzuki Cup. Ang pinakamalaking torneo ng Football sa Timog Silangang Asya ay magbubukas na sa Disyembre 5, 2021 at tatakbo hanggang Enero 1, 2022.


Ayon sa Presidente ng AFF na si Maj. Gen. Khiev Sameth ng Cambodia, pangunahin pa rin ang kaligtasan at kalusugan ng lahat. Kahit bumubuti ang pangkalahatang kalagayan ng rehiyon, hindi pa rin nakasisiguro hanggang hindi pa tiyak at gumugulong ang mga programa ng bakuna sa mga kalahok na bansa.


Maliban sa mga usapin sa COVID-19, isang mahigpit na kalendaryo ng Football ang naghihintay sa 2021. Maraming mga laro at torneo na ipinagpaliban noong 2020 ay gaganapin sa 2021.


Mula sa orihinal na Nobyembre ng 2020 ay inilipat ang Suzuki Cup sa Abril ng 2021 bago inilipat muli. Ang bagong petsa ay tatlong araw matapos ang pagwawakas ng 31st Southeast Asian Games sa Vietnam sa Disyembre 2, 2021.


Ang SEA Games ay para sa mga manlalarong edad 23 pababa habang ang Suzuki Cup ay bukas para sa lahat. Maaaring magbubuo ang mga bansa ng dalawang hiwalay na koponan para sa dalawang nasabing torneo.


Ang Vietnam ang defending champion ng Suzuki Cup. Sisikapin ng Pilipinas na makamit ang kanilang unang titulo matapos makapasok ng semifinals ng apat na beses sa huling limang edisyon ng torneo buhat pa noong 2010. Patuloy na makikipag-ugnayan ang AFF sa mga bansa at pag-aaralan ang sitwasyon. Maghahayag sila ng mga pagbabago sa takdang panahon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page