top of page
FRANKLY - ANAK NI PATRICK, LALONG NA-BASH AT NA-BULLY-IG _onlypatrickgarcia.jpg

Advance question ng Comelec para sa debate, wa’ ‘wenta!

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 4, 2022
1 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | March 4, 2022



PALPAK SI P-DUTERTE TULAD NG KANYANG MGA CABINET MEMBERS–Sa kanyang talk to the people, inamin ni P-Duterte sa publiko na sa nakalipas na mahigit limang taon, marami sa mga miyembro ng kanyang Gabinete ang palpak sa pagserbisyo sa bayan at mamamayan.


Sana, isinama na ni P-Duterte ang kanyang sarili sa palpak na gov’t. official kasi palpak din siya, dahil mantakin n’yo, alam na pala ng prangulo na palpak ang karamihan sa mga miyembro ng kanyang gabinete, pero hindi pa niya pinagsisibak sa puwesto, boom!


◘◘◘


SARA DUTERTE, PINUTAKTI NANG BATIKOS KASI ATRAS SA DEBATE–Tinuldukan na ni vice-presidential candidate, Mayor Sara Duterte ang pagdalo sa mga debate, na ibig sabihin ay never siyang dadalo sa anumang pa-debate para sa mga kandidato sa pagka-bise presidente.


Dahil sa sinabing ‘yan ni Mayor Sara, pinutakti siya nang batikos ng publiko.


Sa totoo lang, mababatikos siya kasi naturingan siyang abogado, naging mayor at anak pa ng pangulo ng Pilipinas, tapos umatras siya sa debate, tsk-tsk-tsk!


◘◘◘


WALANG KUWENTANG PA-DEBATE NG COMELEC–Tutol si presidential candidate Sen. Panfilo “Ping” Lacson sa desisyon ng Comelec na bigyan ng advance questions sa debate ang mga aspirante sa pagka-pangulo na sasalang sa pa-debate ng Comelec.


May punto si Lacson na tutulan ito kasi lalabas na walang kuwenta ang debate kung alam na agad ng mga presidential candidate ang itatanong sa kanila, siyempre dahil may advance question, alam na agad ng mga lalahok ang sagot sa mga itatanong sa kanila, boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page