top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Adiwang vs. Miado, undercard na salpukang Pinoy sa ONE X

BULGAR
Mar 9, 2022
1 min read

ni Gerard Arce - @Sports | March 9, 2022




Alam ni Lito “Thunder Kid” Adiwang kung gaano ka-importante ang nakataya sa nalalapit na laban sa kapwa Pinoy na si Jeremy “The Jaguar” Miado sa isa sa mga undercard match sa 10th anniversary ng ONE Championship na ONE X sa Marso 26 sa Singapore Indoor Stadium sa Singapore.

Tatangkain ng magkababayang fighter na makasungkit ng sariwang panalo sa kasunod ng magkaibang resulta ng magkahiwalay na laban noong isang taon. Puntirya ng 28-anyos mula Baguio City na makabawi sa huling pagkatalo kontra kay Jarred “The Monkey God” Brooks noong NextGen III -Nob. 2021 na nagresulta sa 2nd round submission victory sa beteranong UFC fighter. “Importanteng-importante ito sa career ko at this point kase galing ako sa pagkatalo, I want to bounce back in a spectacular way at makabalik dun sa Top 5,” wika ni Adiwang. “Alam kong both of us are respecting the game at ibibigay namin yung kakayanan namin, kaya for sure walang magho-hold back sa amin, kundi ibibigay namin lahat ng makakaya namin, 100% kaming makapag-perform.”

Sa kabilang banda, galing sa impresibong knockout victory ang 29-anyos mula Marrock Force MMA sa Bangkok, Thailand, laban kay Li Tao Miao ng China noong Okt. 2021. May pambihirang rekord si Adiwang sa 13-4 kasama ang 7 KOs at 4 na submissions, habang si Miado ay may 10-4 kartada na may 5 KOs at 1 submission.

Bihirang makakita ng salpukan ng magkababayang Pinoy sa ONE Championship na magugunitang nagtapat sa ONE Strawweight title sina Joshua “The Passion” Pacio ng Team Lakay at Rene “DChallenger” Catalan noong Nob. 2019 na nagresulta sa pananatili ng korona sa Baguio-native na si Pacio.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page