Adiwang, handa sa groundwork kontra Elite Chinese Hexigetu
ni MC - @Sports | September 17, 2021

"Baka mas magaling lang ang fighter na iyan sa huling panalo niya sa laban!" Iyan ang hindi maalis sa isip ni Lito "Thunder Kid" Adiwang dahil marami ang humuhusgang iyon lang ang magiging panalo niya.
Kaya naman inihanda na niya ang sarili sa matagal na niyang inaasam na laban kay "Wolf of the Grasslands" Hexigetu sa ONE: REVOLUTION sa Setyembre 24, at ayon sa ONE Super Series winner, ipakikita niya kung gaano kalupit ang kanyang mga natutunan at ipamamalas ang pinakamahusay niyang laban sa ONE Circle.
Hawak ni Adiwang ang panalo kontra Deep Strawweight Champion Namiki Kawahara sa nagdaang ONE: UNBREAKABLE noong Enero, kung saan naging malakas ang kanyang striking at kunin ang second-round knockout victory. "I'm definitely happy with my performance against Namiki," aniya matapos ang kanyang pamatay na striking bilang diskarte sa panalong laban at ipatigil ng referee ang bakbakan sa 2:03 mark ng round two.
"I can say that I have regained my confidence. Since that win over Namiki, my focus has just been on an uphill climb that I'm so excited to get back and fight inside the ONE Circle," aniya.
Isang bagay lang ang natutunan ni Adiwang mula sa kanyang isang talo sa 9 na laban, dapat ay handa sa game plan, panatilihin ang deadly striking force at idaan sa diskarte ang atake, perpektong estilo ng bagong henerasyon ng Team Lakay. At iyan ang eksaktong gagawin ng Baguio-based striker sa kanyang laban kay Hexigetu. "Of course, I want to keep our game plan a secret, but all I can tell everyone is that they can expect that everything we planned for is very solid. Coach Mark [Sangiao] has diligently worked with me in preparing me for this, and like in my past wins, I can say that this will be another highlight win for us," kumpiyansa niyang isinaad.





Comments