top of page
LET’S SEE - MIKA AT WILL, BUKING NA LUMIPAD PA-HK_Reddit.png

Adik sa online sugal, nag-suicide

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 52 minutes ago
  • 1 min read

ni Levi Gonzales @News | May 20, 2026



Online gambling, casino scatter - FP

Photo: File



Patay ang 32-anyos na lalaki makaraang tumalon sa Biga Bridge, Sta. Anastacia, Sto. Tomas City, Batangas. 


Batay sa ulat, alas-12:30 ng hatinggabi nang huling makitang naglalakad ang biktimang si alyas Troy, ng Brgy. Saimsim, Calamba City, Laguna.  


Nadiskubre ang bangkay alas-7:30 ng umaga ng ilang concerned citizen na nangangalakal ng scrap materials kaya ipinagbigay-alam sa mga otoridad ang insidente.  


Nakikita sa motibo ng pagpapakamatay ang pagkalulong umano nito sa scatter o online gambling.  


Nagkaroon ito ng malaking pagkakautang saka marami ang naniningil sa biktima na posibleng nagtulak sa kanyang wakasan ang sariling buhay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page