top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Adebayo, mainit sa Heat; Cavs at Nets sa Playoffs

BULGAR
Apr 10, 2022
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | April 10, 2022



Nag-iwan ng walang duda ang Miami Heat na sila ang numero unong koponan sa NBA Eastern Conference ngayong taon at binigo ang bisitang Atlanta Hawks, 113-109, kahapon sa FTX Arena. Hindi na mapapantayan ang kartadang 53-28 ng Heat at maghihintay na lang ng makakalaro buhat sa Play-In Tournament sa susunod na linggo.

Pinalamang ng dunk ni Bam Adebayo ang Miami na may 27 segundo sa orasan, 111-109. Hindi naka-shoot ang Hawks at napilitan nilang bigyan ng foul si Tyler Herro na ipinasok ang dalawang free throw upang maselyuhan ang resulta.

Nagtapos si Adebayo na may 24 puntos at sinundan ni Jimmy Butler na may 20 puntos. Maaaring makatapat ng Heat sa playoffs ang isa sa Cleveland Cavaliers, Brooklyn Nets, Charlotte Hornets at Hawks depende sa resulta ng Play-In.

Nagpamalas muli ng talas ang numero uno sa buong liga Phoenix Suns at nanaig sa Utah Jazz, 111-105, salamat sa 33 puntos ni Devin Booker. Ang unang makakalaro ng Suns sa playoffs ay isa sa Minnesota Timberwolves, LA Clippers, New Orleans Pelicans o San Antonio Spurs sa seryeng best-of-seven.

Matapos mabigo na makuha ang numero unong puwesto sa East, kumuha ng hakbang ang World Champion Milwaukee Bucks na masalba ang pangalawang puwesto at giniba ang kulelat na Detroit Pistons, 131-101, upang umakyat sa 51-30. Nanguna si Giannis Antetokounmpo na may 30 puntos at 13 rebound.

Nakamit ng Brooklyn Nets ang mahalagang tagumpay sa Cleveland Cavaliers, 118-107, sa tapatan ng dalawang napipisil na magkikita sa pagbukas ng Play-In. Pantay na ang dalawang koponan sa 43-38 subalit hawak ng Nets ang tiebreak para sa karapatan ganapin ang laro sa Barclays Center.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page