Adarna at Bigmouthbernie masusubok sa Metro Turf
ni Green Lantern - @Renda at Latigo | April 11, 2022
Masusubukan ang husay nina Adarna at Bigmouthbernie ngayong araw sa magaganap na PHILRACOM Rating Based Handicapping System na ilalarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City sa Batangas.
Paniguradong bakbakan ang masisilayan ng mga karerista dahil sa premyong nakalaan mula first hanggang third sa distansiyang 1,400 meter race.
Komento ng mga karerista sa social media na mahihirapan sila sa pagpili sa nasabing race dahil balanse ang lineup ng mga kalahok. "Hindi basta-basta ang pagpili diyan sa lineup na 'yan, magagaling ang lahat ng mga kasali kaya dapat pag-aralan ang kanilang dating takbo," komento ni Darwin Oliver na isang veteran karerista.
Pipitasin ng unang kabayong tatawid sa meta ang P40,000 na premyo, habang tig-P15,000 at P5,000 ang 2nd at 3rd placers ayon sa pagkakasunod.
Ang ibang kalahok ay sina Jinxky, Ranagant, Act Of Kindness, Yoshiko, Pagbabago at Extremely Tough. Ang event ay suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).
Samantala, siyam na karera ang inihain ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayon kaya asahang masaya na naman ang mga karerista sa kanilang pananaya.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1. Broadway (6), Baling Rikit (8), Cool Mom (7)
Race 2. Tocque Bell (4), Battle Scar (10), Viva Forever (6)
Race 3. Bowties And Charms (7), Caraga Wonder (9), Princess Via (3)
Race 4. Siquijor (8), My Dear Magnolia (3)
Race 5. Adarna (4), Ranagant (2), Bigmouthbernie (3)
Race 6. Make A Difference/Stand In Faight (4/4A), Sentinel Mode (8), Smarty Jas (1)
Race 7. Cats Wonderful (8), Bacuit Bay (1), Since When (13)
Race 8. Tito Gene (3), Galing Sa Mabait (1)
Race 9. Easy Landing (10), Lucky Noh Noh (6), Narrative (12)





Comments