Acuzar, bagong Housing chief ni P-BBM
ni Lolet Abania | July 30, 2022

Napili ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si real estate magnate Jose “Jerry” Acuzar na maging head ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), batay sa isang video mula sa Malacañang na in-upload nitong Biyernes.
Base sa video na na-upload sa Facebook page ng Radio Television Malacañang, nanumpa na sa harap ni Pangulong Marcos si Acuzar, na chairman ng New San Jose Builders (NSJB), sa President’s Study Room sa Palasyo.
Wala pang tugon ang Malacañang sa tanong, kung hindi magkakaroon ng tinatawag na conflict of interest ang appointment ni Acuzar bilang Housing chief dahil sa involved umano ang NSJB sa konstruksyon ng mga residential properties.
Sa ilalim ng batas, ang DHSUD ay may pananagutan para tiyakin na ang mga Pilipino ay mayroong “access to and the affordability of basic human needs [especially housing].”
Ayon naman sa Philippine News Agency, “[Acuzar started as a] draftsman at Tondo Foreshore Redevelopment Project in 1975 and became a contractor in the 1980s before establishing New San Jose Builders Inc. (NSJBI).”
Kabilang din si Acuzar sa Las Casas Filipinas de Acuzar – isang koleksyon ng mga restored Filipino houses – na bukas sa mga turista mula sa kanyang kinagisnang bayan ng Bagac, Bataan.





Comments