top of page
Kim Chiu - IG.jpg

Acting vice mayor, puwede ring mamuno sa Konseho — Ombudsman

Writer: BULGAR
BULGAR
18 minutes ago
1 min read

ni Mylene Alfonso @News | September 14, 2026



Boying Remulla - Office of the Ombudsman.

Photo: Office of the Ombudsman / FIle



Nilinaw ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na kasama sa tungkulin ng isang acting vice mayor ang pagiging presiding officer ng Sangguniang Panlungsod.


Ginawa ni Remulla ang pahayag kaugnay ng usapin sa awtoridad ni San Pablo City Acting Vice Mayor Shaira Aliyah Diaz, matapos masuspinde sina Mayor Arcadio “Najie” Gapangada Jr. at Vice Mayor Justin Colago. 


Dahil dito, umiral ang order of succession kung saan naging acting mayor si First Councilor Carmela Acebedo at acting vice mayor naman si Diaz.


Sa DZRH Executive Session noong Setyembre 12, tinanong si Remulla tungkol sa posisyon ng ilang konsehal na hindi umano awtomatikong kasama sa pagiging acting vice mayor ang pagiging presiding officer. “Ah, hindi, kasama ’yun,” tugon ni Remulla.


Noong Agosto 25, pormal na itinalaga ng Department of the Interior and Local Government si Diaz bilang acting vice mayor at inatasang gampanan ang mga kapangyarihan at tungkulin ng nasabing posisyon habang umiiral ang vacancy.


Humingi rin si Diaz kay DILG Secretary Jonvic Remulla ng nakasulat na paglilinaw kung saklaw ng kanyang designation ang pagiging presiding officer sa ilalim ng Section 49(a) ng Local Government Code. Sinabi niyang susundin niya ang anumang pormal na paglilinaw ng DILG upang maiwasan ang procedural disputes at maipagpatuloy nang maayos ang trabaho ng Sangguniang Panlungsod.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page