Acting election officer, patay sa pamamaril
- BULGAR

- Nov 19, 2021
- 1 min read
ni Lolet Abania | November 19, 2021

Kinondena ng Commission on Elections (Comelec) ang naganap na pagpatay sa isang acting election officer sa Catarman, Northern Samar, kahapon.
Sa isang statement ni Comelec spokesperson James Jimenez, “The commission condemns the craven killing of acting Election Officer James Diaz Maghanoy.”
“The entire Commission calls on authorities to leave no stone unturned in its probe of the murder of Maghanoy, and to ensure that those responsible are brought swiftly to justice,” ani Jimenez.
Batay sa isang police report, si Maghanoy, na isang municipal election officer ng Lope de Vega, Samar, ay pauwi na ng kanyang bahay nang barilin ng hindi nakikilalang suspek sa national highway sa Barangay Samoge, Catarman, bandang alas-5:00 ng hapon nitong Huwebes.
Nagtamo si Maghanoy ng dalawang tama ng bala ng baril, isa sa kanyang ulo at isa pa sa katawan.
Agad na isinugod sa Northern Samar Provincial Hospital ang biktima, subalit idineklara ring patay habang ginagamot sa naturang ospital.
Nagsasagawa na ang Catarman Municipal Police Office ng isang follow-up investigation para sa ikadarakip ng naturang salarin.




Comments