top of page
SHOWBIZ SPECIAL - ROMNICK- 54-ANYOS NA AKO, NAGBI-VIDEO GAMES PA RIN, WALA PA AKONG NASAKT

Acosta sa bagong PAO lawyers: Labanan ang korupsiyon

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 15
  • 1 min read

ni Mylene Alfonso @News | August 15, 2026



Acosta sa bagong PAO lawyers: Labanan ang korupsiyon

Photo: File



Binalaan ni Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Rueda-Acosta ang mga bagong talagang public attorney laban sa korupsiyon at hinimok silang panatilihin ang integridad at de-kalidad na serbisyong legal para sa mga mahihirap na Pilipino.


Sa kanyang talumpati sa orientation at oath-taking ceremony ng PAO, binalaan niya ang mga ito laban sa pagtanggap ng pera, pagkain o iba pang regalo mula sa mga kliyenteng may nakabinbing kaso. Aniya, kahit maliliit na pabor ay maaaring maglantad sa mga public attorney sa reklamo at posibleng pagkakatanggal sa serbisyo.


Binigyang-diin ni Acosta na hindi lamang pagpapawalang-sala ang sukatan ng tagumpay sa public defense. Maaari rin umanong maging magandang resulta ang pagpapababa ng sentensiya, probation, good conduct time allowance o paglaya sa pamamagitan ng naaangkop na legal na remedyo.


Samantala, nakatakdang magsimula sa kanilang mga assignment sa Setyembre ang 282 bagong talagang kawani ng PAO matapos ang kanilang orientation at training.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page